NOONG 1970s, naging mainit ang tapatan ng mga komikerong mang-aawit na Apo Hiking Society at grupong Tito, Vic and Joey. Nagsimula sila noon bilang magkakasama sa isang sitcom series na hindi ko na matandaan ang title. Putok na putok sila, at nang matapos ang sitcom, kanya-kanya na ang dalawang grupo.
Noong 1981, umusbong ang Eat Bulaga ng Tape, Inc. sa Channel 2. Tinapatan nito ang Student Canteen ng Channel 7, sa noontime show.
Malakas ang dating ng magkapatid na Tito at Vic Sotto, gayundin si Joey de Leon, at aamining kong aliw na aliw din ako sa kanila, lalo na tuwing maririnig ko ang mga awitin nilang nagpapaihit sa akin ng tawa. Unti-unting naiwanan ang Student Canteen nina Eddie Ilarde at Pepe Pimentel, hanggang tulu-yang nawala ito sa ere. Nakita natin ang pangi-ngibabaw ng mga nakababata noon kaysa mga nalipasan na ng panahon. Ang ipinalit ng Channel 7 ay isang noontime show din na pinangunahan ng Apo Hiking, kaya muling nagkaroon ng tapatan ang magagaling na kalog.
Nagmistulang pader sa tatag ang kombinas-yon nina Tito, Vic at Joey. Kung hindi ako nagkakamali, 27 years running na ang top rating na Eat Bulaga (na ngayon ay nasa GMA-7 na) — na tila hindi maubusan ng gimik — sa loob at labas ng show.
Samantala, tila inabot na rin ng pag-iidad sina Jim Paredes, Boboy Garovillo at Danny Javier at halos hindi na sila makita. Inakala naming tulu-yan nang nawala ang samahan sa limelight, bagama’t manaka-naka’y nakikita paisa-isa sa iba’t ibang TV shows. Nguni’t tayo pala ay nagkamali. Sa matagal na pagkawala, natural na pinanabikan sila ng tao, kaya noong nakaraang Agosto ay isang napakamatagumpay na pagbabalik ang ginawa ng Apo sa Plenary Hall ng PICC, sa kanilang, Mga Kuwento ng APO, 38 Years of Music and Friendship.
Ang maganda, dahil sa tagumpay na tinamo, mabibigyan ng pagkaka-taon pati kaming mga hindi nakapanood, sa reprise ng kanilang show sa Music Museum, sa darating na Oktubre 12 at 13, ganap na 8:30 ng gabi.
Ang kanilang bagong show ay may titulong The Apo Collection. Tingnan mo nga naman, halos tatlong dekada na sa musika, at walang pagmamaliw. May 26 albums sila na halos lahat, kung hindi certified multi-platinum, ay nag-gold.
Tagumpay pa ang lahat ng concerts nila sa ating bayan at sa abroad. Ang Apo Hiking Society ay perfect combination ng isang total entertainment team na wala nang kahalintulad sa bansa.
Tatlong iba’t ibang tao na may iisang panlasa para sa musika. Sa kanilang mga awitin ay nakapagbibigay sila ng ins-pirasyon. Tuwing ma-ririnig natin ang kanilang genuine Pilipino music, naipagmamalaki nating tayo rin ay Pilipino. Ang The Apo Collections ay inihahandog ng the Thirdline, Inc., at para sa ticket reservations, maaaring tumawag sa telepono 462-0103, 426-5301, o kaya’y sa (0918)937-9209, (0917)532-4556, at (0921)665-0923.
Maaari ring tumawag sa TicketWorld outlets, o sa 891-9999, at sa website na www.ticketworld. com.ph.
Kumpara sa gawa nina Tito, Vic and Joey, na puro halos kabulastugan na magpapahagalpak sa iyo ng tawa, lumabas na mas classic ang dating ng compositions ng Apo, na hanggang ngayon ay naririnig pa natin sa iba’t ibang versions — mga malumanay na ballad at kaiga-igayang pakinggan.
Alam n’yo bang may mga sandaling musika ng Apo Hiking ang sumasaliw sa amin ni misis habang aking nilalasap ang kanyang humaha-limuyak at saksakan nang bangong sukiyaki?(Sa inyong reaksyon, puwede po kayong mag-email sa: Serrano_edd @yahoo.com)