Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Zaido VS. Lastikman

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, September 22, 2007

Zaido VS. Lastikman

Hindi naman pala magkakatapat ang time slot ng Zaido (Pulis Pangkalawakan) ng GMA-7 at Lastikman ng ABS-CBN kahit sabay ang pilot sa Sept. 24.

After 24 Oras ilalagay ang metal heroes series ng Channel 7 at ang Kokey ang katapat. Ang Ang Mga Mata ni Anghelita naman ang katapat ng series ni Vhong Navarro.

Bago ang premiere sa Monday, mapapanood ang primer ng Zaido this Saturday after Wish Ko Lang. Makikilala sa Zaido: Ang Bagong Alamat ang buong cast at ang paghahandang ginawa nila sa kani-kanilang roles. Sana natanong din sina Dennis Trillo, Aljur Abrenica, Marky Cielo kung ’di conscious sa costume na pinagti-tripan ng mga bading.

Bukas, may motorcade ang buong cast na magsisimula sa GMA Network papuntang EDSA, daraan ng Kamuning. Mahaba ang tatakbuhin ng motorcade na magtatapos sa SM San Lazaro, kung saan gaganapin ang mall show.

SA mga sabik na sa Lu-nes, may primer ang Zaido today.

Para lubusang maki-lala ang mga Pulis Pang-kalawakan. Ang pamagat ng primer ay Zaido: Ang Bagong Alamat today, after Wish Ko Lang. Masasaksihan dito kung papaano nilikha ang pinakabagong primetime blockbuster ng GMA-7 na base sa sikat na TV series noong ‘80s, ang Shaider. Makikita rito ang ma-salimuot na proseso sa pagbuo ng higanteng series.

Lilibutin ang Zaido set -- pati na ang Avilo, ang sasakyang pandigma ng mga Pulis Pang-kalawakan -- na ang inte-rior ay nilikha ng production designer na si Rodell Cruz.

Sina Dennis Trillo at ang bagong child star na si Robert Villar ang magsasalaysay.

And then tomorrow, isang engrandeng motorcade at mall show naman ang gaganapin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...