Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Impostora's Last Week

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, September 17, 2007

Impostora's Last Week

Hanggang this week na lang ang Impostora at sa Friday, malalaman kung ano ang mangyayari sa mga character ng teledrama.

Bawal ang spoiler, basta abangan ninyo at may mababaliw, may matsutsugi at may happy ending.

Wala pang linaw sa next project ni Sunshine sa GMA-7, pero drama ito at sa second week ng October makukumpirma.

Kasama ang bagong show sa two soaps na ibibigay sa kanya ng network sa pinirmahang two-year exclusive guaranteed contract noong September 13.

Sa nasulat na nagbalak siyang umalis sa GMA-7 at kukuha ng bagong manager, narito ang pahayag ni Sunshine: “I will stay in Channel 7 dahil masaya ako rito at inaalagaan ako. Wala akong maireklamo sa ibinibigay na project dahil puro magaganda. Wala akong manager, kami ng mom ko ang nagma-manage ng career ko. Kung may kinausap man ang nanay ko na mag-manage sa akin, she has the right because she is my manager. Pero, kung ako, hindi ako kinakausap at wala rin akong kinausap.”

Dedma rin si Sunshine sa pambubuking ni Angelu de Leon sa relasyon nila ni Jojo Manlongat sa Showbiz Central a few weeks ako. Hindi raw siya close sa actress at hindi siya apektado. Lalong hindi niya alam kung bakit nag-sorry sa kanya si Angelu.

“Kung gusto niyang mambuking, ’di mambuking siya. I’m not her friend, she’s not my friend. Walang isyu ru’n. Basta, I’m very, very happy, life is good.”

Tapos na ang taping niya ng Impostora at makakapag-guest na sa ibang show si Sunshine.

This Monday, guest siya sa Ful Haus at sa Wednesday, nasa Sis siya. Next weekend, fly siya sa Hong Kong para sa Wish Ko Lang and after this, puwede na siyang magbakasyon sa Boracay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...