Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Pag-iibigan nina Lovi Poe, Marky Cielo muling pag-uusapan

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, September 22, 2007

Pag-iibigan nina Lovi Poe, Marky Cielo muling pag-uusapan

MULING nagbabalik si Lovi Poe sa telebisyon.

Sa pinakabagong ‘action-teleserye’ ng GMA-7 na pinamagatang Zaido Pulis Pangkalawakan, ang singer-actress ay gumaganap bilang isang agresi-bong journalist.

“I’m very excited with my new role on TV”, sabi ni Lovi.

“Ako si Mona rito, isang newspaper reporter na sumu-subaybay sa mga kabayanihang ginagawa ng mga Zaido pulis”, paliwanag niya, at idinagdag pang, “may li-him akong pag-ibig sa Green Zaido na si Alexis na gina-gampanan ni Marky Cielo”. Sa katunayan, ang Zaido ang nagbabalik ng tambalan nina Lovi at Marky Cielo, pagkatapos ng matagumpay na Bakekang.

“Masayang-masaya ako na maging bahagi ng mala-king programang tulad nito”, dagdag pa ng magandang dalaga.

Kung pag-uusapan ang laki ng mga tauhan ng Zai-do, ang mga bida rito ay binubuo ng powerhouse cast sa pangunguna nina Dennis Trillo, Lorna Tolentino, Raymart Santiago, Diana Zubiri, Tirso Cruz, Jay Manalo, Aljur Abrenica at marami pang iba.

Ang programang ito ay sa direksiyon ni Dominic Zapata at magsisimula nang mapanood sa Lunes, Sept. 24.

Samantala, abala rin si Lovi sa shooting ng kanyang unang pelikula, ang Shake, Rattle & Roll, Part 9.

Sa pinakabagong horror trilogy na ito na ipu-produce ng Regal Enter-tainment, si Lovi ang bida sa episode na pinamagatang Christmas Tree kasama si John Prats mula sa direksyon ni Paul Daza.

Ito ang unang pelikula ni Lovi sa Regal na kamakailan ay pumirma ng kon-trata kay Mother Lily Monteverde.

“Masaya-masaya ako na naging Regal Baby,” kum-pisal ni Lovi.

Bukod sa telebisyon at pelikula, abala rin si Lovi sa pagi-eendorso ng Bratt T-shirts, Olive-C Soap at Aficionado Germany perfume.

Kasalukuyan din ni-yang tinatapos ang kanyang second album mula sa Sony-BMG record.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...