Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Mga bagong `Kapuso' ipapakilala na

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, September 14, 2007

Mga bagong `Kapuso' ipapakilala na

MATAPOS ang glamorosong pagdiriwang ng GMA Artist Center (GMAAC) sa pinakamainit na showbiz-oriented show sa Pilipinas tuwing Lingo, ang Showbiz Central at No.1 variety program na SOP, isa na namang pasabog ang handang pakawalan ng GMAAC.

Tulad nang ipinangako nila, ihinahandog ng GMAAC ang pinakabagong mga muk-ha ng Artist Center. Maga-ganda’t guwapo, iba-iba ang pinanggalingan ng mga ba-gong personalidad sa Artist Center.

Mapalad ang mga napili sapagkat pangangalagaan ng Artist Center ang kanilang showbiz career. Ang Artist Center ngayon ang prime source ng talents sa GMA Network. Maliban dito, marami na rin itong pinasikat sa industriya ng showbusiness.

Hindi lang magaganda at mga guwapo ang kasama sa listahan ng Artist Center’s new faces. Kilala rin ang mga pa-milyang pinanggalingan ng ilan sa mga bagong artista nila. Sa larangan ng entertainment at politics, matutunog ang mga pangalan ng mga kasapi sa new faces ng Artist Center. Maaaring pamilyar na rin ang mga mukha ng iba dito dahil marami sa kanila ay professional models na naka-pag-pose na sa magazines at print ads. Marami rin sa kani-la ang lumabas na sa TV commercials.

Bilang mga modelo, sa-nay na ang mga ito sa kame-ra. Ngunit hindi lang basta-bastang kinuha ang mga ito ng Artist Center. Metikuloso ang ginawang pamimili sa la-hat. Sinigurado nila na may star potential ang bawat isa. Pursigido rin ang AC sa pagbibigay ng intensive workshop sa mga baguhang ito. Pangungunahan ng respetadong facilitators at trainers ang workshops. Hindi produkto ng talent competitions ang mga artists tulad ng mara-ming mga talents sa AC. Talagang spotted, screened, and signed ang mga baguhang kasama sa GMA Artist Center ngayon.Malapit nang mapanood ang mga ito sa iba’t ibang programa at events ng Kapuso Network.

Una sa listahan si Gino dela Peña, 20 anyos na commercial model. Isang tidbit tungkol kay Gino ay ang pagbili nito ng P50.000 worth na Tricks Gel para lang manalo sa isang contest kung saan makaka-date niya ang kanyang showbiz crush, ang two- time FHM’s No.1 Sexiest Katrina Halili.

Pangalawa sa new faces ay si Victor Aliwalas, certified New Yorker na nakipagsapalaran sa mundo ng showbiz sa Pilipinas. Hunk ang dating ni Victor na may hilig sa mode-ling at hosting.

Kasami rin si Samantha Gamboa sa list ng new faces sa Artist Center. Bagama’t 18 taong gulang pa lamang, 5’6 na si Samantha, at isang professional model na nagnanais pasukin ang mundo ng showbiz. Dancer at gymnast din si Samantha.

Nakadikit na sa pangalang Gutierrez ang showbiz sapagkat kahit sa roster ng Artist Center ay mayroon ding Gutierrez, si Lawrence, 18, ay isa ring professional model katulad ni Samantha. Kamag-anak nina Raymond at Ri-chard, guwapo’t matangkad din si Lawrence. Kasama rin ni Lawrence sa Artist Center ang kanyang mga pinsan na sina Rye at Cristina Fariñas. Sila ang mga anak nina Theresa Carlson at Governor Fari-ñas. Parehong modelo ang magkapatid na Rye at Cristina, at susubukan ang show business. Si Cristina, 23, ay in-teresado sa pagkanta at pag-host.

Isang ramp at commercial model din si Lyka Feliciano na may tangkad na 5’7”. Desidido rin ito na mamayagpag sa larangan ng showbiz. Tongue twister naman ang dating ng pangalan ni Ei-nar Ingerbrigsten para sa marami. Pero, tiyak na kikiligin ang lahat kapag nakita nila si Einar o napanood sa TV. Commercial siya ng McDonald’s. Mayroon ding Penshoppe endorsement ang 22 taong gulang na si Einar.

Pamilyar na rin ang pangalan na Henares sa entertainment industry. Parehong kilala sina Ida at Ronnie Henares sa pagpapasikat ng mga artista. Sila ang parents ng isa sa talents ng Artist Center, si Stephanie Henares. Upco-ming VJ si Steph sa Q-11. Es-tudyante rin ang 19-year-old beauty ng De La Salle University na modelo ng Cinde-rella at Lactacyd.

Isa pang upcoming VJ ng Q-11 si Ysa Villar, anak ng may-ari ng Crossover Radio Station na sina Louie at Chuchi Villar. Estudyante ng Ateneo de Manila University, nakapagsasalita ng French si Ysa at kasapi sa Manila’s 5 Loveliest 2007.

With Ysa is Schinina Juban na kasama rin sa Manila’s 5 Loveliest. 16 taong gulang pa lang si Schinina at may talent sa pagsasayaw at pag-arte. Si Schinina ay anak ni Jun Juban na involved sa international movie productions. Hindi na siguro maninibago si Joseph Marco sa pag-harap sa kamera. Nakagawa na ito ng TV commercials para sa Head & Shoulders, Jollibee, Downy, at Red Ribbon. At 18, napasama na rin siya sa Cosmomen: Cosmopolitan’s Centerfolds ng women’s magazine na Cosmopolitan. Makikita rin dito sina Rye Fariñas at Paolo Paraiso na galing din sa Artist Center. Sina Joseph, Rye, at Paolo ay kasama sa Cosmo’s 69 Hot Bachelors. Hindi lang ang mga Fa-riñas ang magkapatid sa ba-gong roster ng Artist Center. Ang kambal na sina Bebs at KC Hollman ay Artist Center’s new faces din. Professio-nal commercial models ang dalawa at umaasa silang sisi-kat sa showbiz.

Si Joy Velasco, 17, ay ma-ituturing na every parent’s dream: Ms. Teen Model of the Universe, isang civic leader, model student, at boutique owner. Isa rin siyang print ad model.

Matatandaang nai-launch na rin sa Showbiz Central ang newly signed talents ng GMA Artist Center na sina Jon Joven, isang mahusay na si-nger; ang sexy actress at host na si Jen Rosendahl; ang sikat na print ad at ramp model na si Paolo Paraiso; at ang mga batang aktor na sina Nicole Dulalia, Iking Magundayap, at Renz Valerio na nakilala dahil sa kanilang exposure sa mga programa ng Kapuso Network. Kasama rin dito ang respetadong producer, si-nger, at stage actress na si Ayen Laurel. Isang in-demand na commercial voice talent, naparangalan ng Outstanding Performer of the Year for Music Video si Ayen para sa 16th Awit Awards. Nominado rin siya ng MTV Pilipinas para sa Best New Favorite Artist. Kabilang na sa GMAAC si Marvin Agustin, award winning actor at MTV director. AIM graduate din siya at matagumpay na restaurant owner.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...