Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Sharon, ’di papatulan si Billy

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, September 14, 2007

Sharon, ’di papatulan si Billy

INAMIN pala ni Billy Crawford na hindi sila nagkarelasyon ni KC Concepcion, na kapapasok lang sa mundo ng show business.

Kaya lang, hindi naman niya binawi ang binitawang malisyosong pahayag na “KC is a good kisser.”

Sa isang radio interview with DJ Mo Twister, ikinumpara pa ni Billy ang halik ni KC sa dating girlfriend na Hollywood singer, si Mandy Moore.

“Sinabi ko na ’yan, matagal na, siguro that was my mistake,” ani Billy sa katotong Jojo Gabinete.

Ang tanong: Paano nahalikan ni Billy at nasabing masarap humalik si KC kung hindi naman sila nagkarelasyon?

Mataas daw ang respeto niya kay KC.

Tanong uli: Kung mataas ang respeto niya kay KC, bakit niya kinaladkad ang pangalan nito sa isang malisyosong issue?

Basta, mabait daw si KC at wala siyang masabing masama sa dalaga.

Tanong na naman: Sobra nga ang bait ni KC, kaya ba wala siyang (Billy) pasintabi sa kanyang mga pahayag?

Aral: Huwag na huwag abusuhin ang kabaitan ng isang tao.

Hindi naman gaanong pinag-ukulan ng pansin ni Sharon Cuneta ang sinabi ni Billy.

’Di talaga mapagpatol sa isyung walang kapararakan ang singer-actress.

Mukhang iyan ang ugaling namana ni KC sa ina.

Kasi, medyo lang ang naging pagkainis nito kay Billy.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...