Marimar's New Characters, New Twist and Turns
Papasok sa Marimar sina Dino Guevarra at Cristine Reyes. Ang una’y sa role ni Antonio, dating kasama ni Sergio sa racing, at ang huli’y bilang si Kim Chan, sponsor ng racing team.
Sa taping lang nalaman ni Cristine na may kissing scene siya with Dingdong Dantes, kaya hindi nakapaghanda. On the spot sinabi ni Direk Mac Alejandre na she has to kiss and seduce Sergio.
Dahil first screen kiss, masasabing si Dingdong ang nagbinyag sa kanya.
Sa tanong namin kung ano ang lasa ng labi ni Dingdong, walang maalala si Cristine. “Naka-focus ako sa blocking instructions ni Direk para ’di ako magkamali. Okey lang kung maraming take dahil pinaganda ang eksena. Alagang-alaga rin ako ni Direk Mac, lalo na ’pag nawawala ako sa character ko,” sabi ni Cristine.
Samantala, patuloy ang pagtaas ng rating ng Marimar at noong Thursday, umabot ito sa 39.3 percent.
This week, iiwan ni Sergio si Marimar dahil sasali sa racing at todong pahirap ang gagawin ni Angelika (Katrina Halili). Isa rito ang pag-utos kay Marimar na pulutin ang mahiwagang bracelet sa putik gamit ang bibig.
Isa ito sa memorable scenes sa original Marimar.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home