Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Ynna Asistio Likes Singing than Acting

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 26, 2007

Ynna Asistio Likes Singing than Acting

Mas hilig pala ni Ynna Asistio ang kumanta kesa umarte, pero nag-enjoy pa rin nang mapasama sa cast ng Mga Mata ni Anghelita.

Matatapos na ang soap at hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginawa silang magka-loveteam ni Mark Herras dahil 16 years old lang siya at 20 na ang actor.

Mabait daw si Mark kaya madali siyang naging kumportable at hindi ito nanligaw sa kanya. Sumubok man manligaw, hindi pa pinapayagang mag-boyfriend ang dalagita at sa career at studies sa Kennedy International School (4th year high school) naka-focus.

Happy si Ynna dahil kahit sandali pa lang sa showbiz, nag-host na siya (Candy sa Q-11), sumubok na sa comedy (Who’s Your Daddy Now?) at nag-drama (sa MMNA).

Ang talent sa singing na lang ang hindi nata-tap kay Ynna, kung saan siya magaling. Kinanta nito ng a capella ang Get Here at nagustuhan namin.

Kayang-kaya rin nitong i-impersonate sina Kyla, Jasmine Trias at Jessa Zaragoza.

Aminado si Ynna na mas maganda sa kanya ang inang si Nadia Montenegro, lalo na nu’ng kabataan nito.

“Hindi ako na-o-offend ’pag sinasabi sa akin ’yun, agree ako dahil totoo naming mas maganda siya sa akin at matagal ko nang tanggap ’yun,” sabi nito.

* * *

SA episode ng Marimar ngayong gabi, ipamumukha ni Angelika (Katrina Halili) kay Marimar na niloko at ginamit lang siya ni Sergio (Dingdong Dantes) dahil siya (si Angelika) ang tunay na mahal nito.

Hindi dito matatapos ang pananakit at pang-aapi ni Angelika kay Marimar at kung anu-ano pang masasakit na salita ang sasabihin.

Aabot pa sa puntong pag-iisipan niya itong saktan nang pisikal.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...