Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: It's Mark Herras vs. Patrick Garcia as Jennylyn Mercado's leading man in "My Only Love"

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 19, 2007

It's Mark Herras vs. Patrick Garcia as Jennylyn Mercado's leading man in "My Only Love"

Bagama't kinumpirma sa amin ng isang production manager ng GMA-7 ang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kay Jennylyn Merecado na nga ibibigay ang television remake ng My Only Love, sinabi ng PM na pinag-iisipan pa rin ng management kung kay Mark Herras nga ba o kay Patrick Garcia ibibigay ang soap bilang partner ni Jennylyn.

Sa katapusan pa naman daw kasi ng taon sisimulan ang My Only Love dahil kung ito nga ang papalit sa Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte, sa November pa ito magtatapos.

Pero kahit pinag-iisipan pa kung sino ang magiging leading man ni Jennylyn sa My Only Love, na ididirek ni Louie Ignacio, may nakapagsabi sa amin na baka hindi ito tanggapin ni Patrick kung sakaling i-offer sa kanya ang role.

Balita raw kasing magli-leave muna ng showbiz si Patrick for six months. Balak daw nitong magpunta sa United States para mag-aral.

Kaibigan at kasama ni Patrick sa Fantastic Man ang nagkuwento sa amin nito dahil naibalita namin sa kanya na baka sina Patrick nga ang maging katambal ni Jennylyn sa My Only Love at hindi sina Mark.

Parehong may kaugnayan sina Mark at Patrick kay Jennylyn. Si Mark ang ex-boyfriend ni Jennylyn at si Patrick naman ang kanyang present boyfriend. Magkasama rin sina Mark at Patrick sa magtatapos nang Fantastic Man.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...