Richard, humingi ng palugit sa Siyete
HUMINGI pala ng dalawang linggong palugit si Richard Gutierrez sa GMA Network bago simulan ang pagte-taping ng bagong seryeng Kamandag.
Dahil dito, na-adjust daw ang airing date ng pilot episode by November. Pero ayon sa isang source, sa September 19 na magte-taping ang mga batang character.
Pulos child star na lalabas bilang young Richard, Jewel Mische, Ehra Madrigal, Maxene Magalona at Mark Anthony Fernandez ang mauunang kunan.
Mahaba ang magiging participation ng mga bata dahil four days ang exposure nila sa TV.
Si Richard, aapir sa Week 1 Day 5.
Habang hinihintay ang availability ng aktor, muling ni-revise ang script ng Kamandag na hango sa ’80s komiks hit ni Direk Carlo J. Caparas dito sa People’s Tonight.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home