Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Lolit at Laguardia, nagkaayos na!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 26, 2007

Lolit at Laguardia, nagkaayos na!

Nagkaroon ng closed-door meeting kahapon nang hapon sina MTRCB Chair Consoliza Laguardia at Lolit Solis sa isang restaurant sa Quezon City.

Off the record dapat ang pagkikita nila pero tiyak na lalabas din ito. Hindi ko na idedetalye kung ano ang napag-usapan.

Maayos ang kanilang pag-uusap at nagkaayos na sila hinggil sa isyung pag-leave ni Joey de Leon sa Startalk.

Nailabas ni Manay Lolit ang lahat na himutok niya sa MTRCB. Napag-usapan nila ito ni Chair Laguardia kaya pwede raw sabihing okay na sila.

Si Douglas Quijano ang nag-ayos ng kanilang pagkikita. Hindi matanggihan ni Manay Lolit si Tito Dougs kaya natuloy ang kanilang pagkikita at nauwi sa magandang pag-uusap.

Nangako si Tito Joey kay Manay Lolit na babalik siya sa Startalk at mukhang okay na rin sila ni Chair Laguardia, pero hindi pa matitiyak kung kailan babalik si Tito Joey.

Abangan na lang sa Startalk sa Sabado kung ano ang ikukuwento ni Manay Lolit sa pagkikita nila ni Chair Laguardia.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...