Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Dennis Trillo in a Gigantic Billboard in front of GMA Network

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 19, 2007

Dennis Trillo in a Gigantic Billboard in front of GMA Network

IKINAGULAT ni Dennis Trillo ang solo billboard niya ng Zaido (Pulis Pangkalawakan) sa harap ng GMA Network.

Overwhelmed ito at ’di ini-expect na bibigyan siya ng solong billboard at dream come true sa kanya ang magkaroon ng gigantic billboard.

“Ang feeling ko, mahal ako ng network at walang rason para iwanan ko sila. Hindi ko ini-expect ’yon, gusto kong maluha nang una kong makita ’yon,” wika nito.

For his Gallian role, nag-training ng arnis, martial arts at pagmu-motor si Dennis. May boxing at workout din siya.

Okey sa kanyang pagnasaan ng bading at kababaihan dahil sa kanyang costume dahil mas magandang pagnasaan kesa hindi pinapansin.

Tanggap na niyang iba ang unang tinitingnan sa kanya ngayon at nag-a-adjust siya.

Nakalimutan pala naming usisain si Dennis sa tsikang nagkatampuhan sila ni Marian Rivera sa birthday party ni Ogie Alcasid.

Ang kuwento, gustong sumayaw ng dalaga at ayaw ng actor dahil hindi siya sumasayaw, na ipinagmaktol ni Marian.

Kaya nang isayaw ni Billy Crawford si Marian at nagtagal sila sa dance floor, si Dennis naman daw ang nagmaktol.

Incidentally, sa Monday na ang pilot ng Zaido sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez. Puno ito ng special effects at tigasing fight scenes.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...