Paolo Ballesteros, kamukha ni Zsa Zsa
Walang kaso kay Paolo Ballesteros na isang kontrabidang transvestite ang role niya sa bagong telefantasya ng GMA na Zaido: Pulis Pangkalawakan.
Nu’ng una ay nagulat daw siya nang sabihin sa kanya ng manager niyang si Joji Dingcong na siya ang napili ng Siyeteng gumanap sa papel ng kalabang si Ida sa Zaido. Nagulat siya dahil ang alam niya ay female role ‘yon.
Nang mag-research siya sa YouTube ay napag-alaman niyang bading o transvestite pala ang karakter ni Ida, na punong tagapagpayo ng mortal na kaaway ng mga Pulis Pangkalawakan na si Le-Ar.
Wala raw keber si Paolo na transvestite ang role niya gayong noon pa may mga kumukuwes-
tyon sa kanyang sekswalidad.
Katwiran niya, sa panahon ngayon ay dapat maging thankful ‘pag may trabaho at hindi dapat maging choosy.
"Hindi ko na iniisip ‘yung sasabihin ng ibang tao. Irrelevant na sa akin ‘yon. Hindi na ako affected. Ang iniisip ko na lang, ang mindset ko eh, artista ako.
"Trabaho ko ‘to, trabaho kong gumanap ng kung anu-anong papel. So ngayon, itong role ko, dapat gampanan ko nang tama at mabuti dahil dito ako binabayaran," bulalas ni Paolo.
Hindi ba parang masyado niya pang nira-rub ‘yung isyu ng kabadingan dahil sa pagtanggap niya nito?
"Ewan ko, hindi ko alam! Siguro. Hindi ko naman hawak ang utak ng mga tao, so bahala na sila. Basta eto ngayon, meron akong ganitong project, so thank you!" sagot niya.
Parang walang ka-effort-effort magpa-girl si Paolo dahil ang ganda-ganda niya ‘pag naka-mujer. Maraming nakapansin na ang laki ng pagkakahawig niya kay Zsa Zsa Padilla sa kanyang ayos at purple costume bilang si Ida.
Sey ng dating Eat Bulaga co-host, hindi siya enjoy na enjoy ‘pag naka-girl siya dahil unang-una ay mabigat ang kanyang pilikmata dahil sa ilang patong na false eyelashes, tapos ay hindi raw siya dapat humihinga para hindi mahalata ang kanyang tiyan.
May mga nagsasabing ito na ang chance ni Paolo para makapag-‘out’ siya at aminin sa publiko ang totoo hinggil sa kanyang pagkatao…
"Eh, nakapag-Bebot (beauty contest sa Eat Bulaga na nagmu-mujer ang mga male stars) na ako dati, di ba? Bahala sila sa sinasabi nila. Basta excited ako, kasi first telefantasya ko ito at challenging dahil iba naman, bading na kontrabida."
May mga comment din na tila siya raw ang magiging kaagaw ni Rustom Padilla sa mga gay roles, pero ang lamang niya ay mas bata at mas sariwa siya kesa kay Rustom.
"Gano’n? Hindi ko alam kung mao-offend ako roon or what. Sa akin, okey lang na tumanggap ako ng mga offer na ganito dahil makikita ng mga tao ‘yung versatility mo. Mapu-prove mo na okey kang artista, mapalalake o bading ‘yung role mo," pakli niya.
In fairness, Urian Best Actor na si Rustom, huh!
"Baka ako naman, maging Best Actress!" hirit ni Paolo, sabay tawa.
Bilib kami kay Paolo dahil hindi siya naiirita o napipikon kahit patuloy siyang inuukilkil ng press hinggil sa bading issue.
"Kasi, kaya ako nandito, para magtrabaho. Nu’ng una, naaasar ako,
pero ngayon, naiintindihan na kasama ‘yon sa trabaho at hindi ko kailangang i-prove ang sarili ko," sey niya.
"Naiintindihan ko na sa lahat ng artista, kailangang sagutin mo ‘yung mga isyu dahil trabaho mo ring ipaalam sa mga tao kung anong totoo. At saka asar-talo kasi ‘pag pikon ka, eh! Ako, hindi ako pikon, ako ‘yung namimikon!"
For the sake of art ay kaya niya bang gumawa ng isang gay film na mala-Brokeback Mountain na may kissing scene at love scene siya sa kapwa niya aktor?
"Okey lang, basta guwapo ‘yung kapartner ko! Ha! Ha! Ha!’ tawa ni Paolo.
Pinapili namin siya ng tatlong aktor na gusto niyang makapareha at pinili ni Paolo sina Dennis Trillo, Rustom Padilla at Piolo Pascual.
Payag ba siya kung ang makakatambal niya ay ang natsismis na nakarelasyon niya noon na si Uma Khouny?
"Okey lang dahil kaibigan ko naman si Uma, so walang malisya ‘yon. Mas okey nga, eh!" nakangiting sagot ni Paolo Ballesteros.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home