Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Piolo, nagpa-picture kay Marian

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 19, 2007

Piolo, nagpa-picture kay Marian

HINIHINTAY ang paglabas ni Marian Rivera sa men’s magazine, kaya lang, next year pa ito mangyayari at paghahandaan pa niya nang husto.

Una siyang mapapanood na naka-two-piece sa Marimar at mangyayari ito ’pag naging si Bella Aldama na siya.

Sa simula pa lang ng telenovela, sinabi na ni Direk Joyce Bernal kay Marian na may sequence na kailangan niyang mag-two-piece at gagawin niya ito hindi dahil ayaw niyang magpatalo kay Cristine Reyes na papasok na bukas sa role ni Kim Chan at aagaw kay Sergio (Dingdong Dantes).

Nag-two-piece na rin ang actress sa audition niya sa Marimar.

Samantala, nalaman naming isa si Maricel Soriano sa mga rason kung bakit tinanggap ni Marian ang Bahay Kubo.

Kahit hirap sa schedule, ayaw niyang palampasin ang chance na makatrabaho ang magaling na actress. Sa first shooting day, lumapit siya kay Maricel at nagpakilala at ikinatuwang tinawag siyang Marimar.

May maganda palang nangyari sa gala night ng RRRampa for a Cause dahil nagkaroon ng chance si Marian na makilala ang talents ng ABS-CBN.

Nagpakilala sa kanya sina Diether Ocampo at Piolo Pascual at ang huli’y nagpa-picture pa using his cellphone, kaya may remembrance na agad sila kahit noon lang nag-meet.

Feeling matagal na silang magkakilala dahil sa common friend nilang si Direk Joyce.

Speaking of Marimar, hindi makararating kay Marimar ang cellphone at sulat na ipinadala ni Sergio dahil hinarang nina Perfecta (Mel Kimura) at Nicandro (Gabby Eigenmann).

Babalik si Gustavo (Jestoni Alarcon) sa San Martin dela Costa at malalaman na ni Marimar na adopted siya nina Lola Cruz (Caridad Sanchez) at Lolo Pancho (Leo Martinez).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...