Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: November 2007

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, November 25, 2007

Hero Angeles may exclusive contract sa GMA Artist Center

FINALLY, pipirma na si Hero Angeles ng exclusive contract sa GMA Artist Center .

Sabi ng source, may nakalaan agad na programa para sa kanya. Matagal nang nababalita na pipirma si Hero sa GMA, pero ngayon lang matutuloy.

Ang consultant ni Hero ay si Kuya Germs (German Moreno). Dahil kay Kuya Germs ay matutuloy na rin ang pagiging Kapuso ni Hero.

Abangan ang pagiging visible ngayon ni Hero sa mga programa ng Siyete.

GMA Network, Nangunguna na rin pati sa NUTAM!

MALINAW na nasa GMA Network ang momentum ngayon at patunay dito ang ‘di mapigilang pag-angat ng istasyon pagdating sa nationwide ratings.

Ayon sa NUTAM survey ng AGB Nielsen, bumaba sa 1.3% ang kalamangan sa people ratings ng ABS-CBN sa GMA noong Oktubre mula sa 2.3% no-ong Agosto.

Sa Total Urban Luzon, na bumubuo naman ng 76.2% ng kabuuang urban TV population sa bansa, nangunguna na ang GMA sa ratings at audience share simula pa noong Setyembre. Dahil ito sa matinding performance ng Kapuso sa Mega Manila, ganon din sa North at Central Luzon, kung saan umakyat ang la-mang ng GMA sa ABS mula 2.2% noong Agosto hanggang 3.1% noong Oktubre.

Mula rin sa GMA. Nakuha ng Marimar, Mga Mata ni Anghelita, at Zaido: Pulis Pangkalawakan ang tatlong pangunahing puwesto sa listahan ng overall top programs sa Urban Luzon noong Oktubre.

Sa Mega Manila naman, mahigpit pa ring pinanghahawakan ng GMA-7 ang pangunahing puwesto.

Noong Okt. 22 ang kabilang sa 30 pangunahing programa ay gawang Kapuso, at ang top-14 na programa ay galing din sa GMA-7. Wala na yatang makapipigil sa pagsulong ng Kapuso Network.

Patuloy pang pinapaganda ang signal ng Siyete sa mga piling lugar sa Timog Luzon, Visayas at Mindanao, at mukhang malapit na ngang mapataob ang kalaban pagdating sa nationwide ratings.

Tuesday, November 13, 2007

Richard, Marian may Valentine movie

IT’S Richard Gutierrez and Marian Rivera for next year’s Valentine movie.

After three years of Richard-Angel Locsin for a Valentine movie na handog ng GMA Films and Regal Films, kakaibang putahe ang mapapanood next Valentine dahil sina Vergel of the upcoming Kamandag at Marimar ang pagtatambalin sa isang light feel good movie na A Very Special Love written by Suzette Doctolero and directed by Mark Reyes.

Wala pang gustong magsalita about this sa presscon ng Kamandag kahit nandoon sina Richard, Suzette and direk Mark pati na rin si Ehra Madrigal na kasama rin sa pelikula pero tomorrow na pala ang first shooting day nito.

Also in the cast is JC de Vera and its original title was My Best Friend’s Girlfriend.

Ang nasabi lang ni Richard ng pinilit naming siyang mag-comment about the movie, ‘‘I’m excited.’’

Regine Velasquez -...