Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: KC, handang patawarin si Billy

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, September 22, 2007

KC, handang patawarin si Billy

“KC or nothing,” ang sagot ng mga taga-Bayo kung bakit ito ang kinuha nilang bagong image model-endorser.

Hinabol nila ito at tuwang-tuwa sa narinig na noon pa, gusto na ng dalaga ang kanilang clothing line. Bawal lang itong pumasok sa stores nila at mag-shop, dahil may ibang ini-endorse, pero sa Paris, libre siyang magsuot ng damit na gawa ng Bayo.

Sa isang fashion show sa Glorietta Activity Center sa October 25, ilu-launch si KC at siya rin ang stylist ng fashion show with Jenni Epperson.

Hindi sinagot ng management kung hanggang kalian ang kontrata ng dalaga, so, long time ito o kaya’y forever?

Fashion icon ni KC si Gwen Stefani dahil hindi trying hard magpaka-fashionista at carry kahit ano ang isuot.

“Gut feel, but spontaneous” daw ang style niya and right now, she likes wearing three colors.

Sabi ni Sharon Cuneta, isang Balenciaga gown ang pasalubong sa kanya ni KC, na nag-effort pala para mahanap ang gown na babagay sa ina.

“Gusto niyang ma-inspire, kaya naghanap ako ng size para sa kanya. Wala sa department store, pinuntahan ko talaga ang flagship store ng Balenciaga sa Paris. Material thing lang ’yon, ang thought ang mas importante,” say ni KC.

May reaction si KC sa pagkatulala ni Piolo Pacual nang makita siya. Sabi nito: “Tumigil siya. Friend ko siya, nakakatawa siya.”

Heto naman ang sagot ni KC sa pagsu-sorry ni Billy Crawford sa sinabing good kisser siya: “Puwede niya akong tawagan if he feels he needs to apologize. Kaya lang, nagpalit ako ng number at line na ako ngayon.”

Hindi makakapanood ni KC ng concert ni Billy sa October 6 dahil may appointment siya. Hindi rin siya makadadalo sa premiere night ng I’ve Fallen for You na dinirek ni Lino Cayetano, pero panonoorin niya ang movie sa regular showing nito.

* * *

Sa October 6 na ang It’s Time concert ni Billy Crawford sa Araneta Coliseum at nag-promise ito ng isang world-class concert.

Bukod sa choreography na inihanda ni Maryss from Paris, mapapanood din ang choreography ng choreographers nina Justin Timberlake, Usher, Janet Jackson, Ciara at Gwen Stefani.

Dala ni Maryss ang video na naglalaman ng dance steps na gagamitin ni Billy sa 21 songs na gagawin. Guests sina Karylle, Kris Lawrence, Maneouvres, Movers at Jay-R. Ang French director na si Gabriel Hoareau, director ng opening at closing ceremony ng Athens Olympics in 2004, ang director ng concert at pati assistant director, French.

“May kaba ako at importante ’yon sa performers. Small or big venue, kinakabahan ako, kahit sa SOP. Performing gives me a high at ’pag narinig ko na ang sigawan ng tao, lumalakas ako at lumalabas ang kaluluwa ko,” sabi ni Billy.

Excited din ito dahil first time mapapanood ng amang si Jack Crawford na darating sa October 3. Manonood din ang two American producers niya at kasabay niya itong aalis for LA on October 9. Imbitado rin ang mga taga-That’s Entertainment, lalo na ang mga kasama niya sa Tuesday group.

Sa Sunday, ilu-launch sa SOP ang music video niya for his concert directed by Louie Ignacio. Sinulat niya ang Like That at kasama sa music video sina Cristine Reyes, Rich Asuncion at isang Fil-French model-friend.

Ipinarating kay Billy na open si KC sa pagsu-sorry kung tatawagan niya. Nang makita ang picture ng dalaga, ang sabi’y “She’s beautiful, she’s always been beautiful.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...