Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Career ni Angle sa Dos delikado dahil kay KC

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, September 24, 2007

Career ni Angle sa Dos delikado dahil kay KC

IBA’T IBANG reaksyon ang naririnig namin sa biglang pagpasok ni KC Concepcion sa bakuran ng ABS-CBN. Maraming natutuwa at excited dahil finally, magsu-showbiz na siya at payag na si Sharon Cuneta. Pero para sa iba, isang threat si KC sa career ni Angel Locsin na kalilipat lang sa bakuran ng Dos.

Ano nga kaya ang pakiramdam dito ni Angel. Nate-threaten kaya siya sa biglang pagsulpot ni KC sa Dos?

Ayon sa iba, delikado raw ngayon ang career ni Angel sa Dos dahil kay KC.

Teka, bakit naman? Magkaiba naman sila ng forte, di ba?

Si KC ay mas mag-i-excell sa hosting and soon siguro sa acting na rin. Pero si Angel, though hindi pa nagkaka-award sa acting, eh, very promising naman.

Ang nakalulungkot lang, hindi talaga maiwasang pagkumparahin ang dalawa dahil pareho silang bagong salta sa Dos. Oh, well, ganyan talaga sa showbiz.

Basta para sa amin, it’s unfair na akusahan si KC na ito ang magiging dahilan para maapektuhan ang career ni Angel sa Dos. It’s also unfair na sabihing “mamamatay” ang career ni Angel now that KC is around.

Let’s both give them a chance to shine dahil pareho naman silang may K, huh!

On the other hand, meron din namang good effect ang ganitong comparison. Tiyak na magiging conscious ang kampo ni Angel at maging si Angel mismo sa kanyang gagawin.

Hindi siya dapat magpapetek-petek lang. Tama ba kami, Tita Becky Aguila?

Anyway, mabuti na lang at puspusana ng pagwu-workshop ngayon ni Angel. Kakasi-mula lang din niyang mag-taping ng soap opera with Piolo Pascual and we are hoping na ibang Angel na ang makikita namin dito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...