Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: MTRCB Prevents Joey From Speaking The Truth

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 19, 2007

MTRCB Prevents Joey From Speaking The Truth

MARAMI na ang disappointed sa ginagawang aksyon ng Movie Television Review and Classification Board ukol sa Joey de Leon at Willie Revillame issue.

Sa mga huling kaganapan, parang mas concerned pa raw itong si chairperson Consoliza Laguardia na ipatigil ang pagsasagutan ng dalawang TV host-comedian kesa tutukan ang tunay na pinag-ugatan nito: Ang diumano’y “ma-anomalyang” Wilyonaryo segment ng Wowowee.

Nakahanap pa raw ito ng lusot sa pamamagitan ng tinatawag na “adjudication committee,” na kung hindi kami nagkakamali’y siyang nagpapatawag sa matataas na opisyal ng magkabilang network para suhetuhin ang kani-kanilang hosts.

Dialogue ni Laguardia sa isang TV interview, hindi kasama ang chairman sa nasabing committee.

Pero hirit ng ilang taga-industriya, malabo raw kumilos ang committee nang walang go signal ni Laguardia.

Ang tanong: Totoo bang may tinitingnan at tinititigan ang MTRCB chair?

Sa ilalim ng PD 1986 o ang batas na nag-create ng Censors’ Board, puwedeng-puwede nga ba silang magsuspinde ng mga programa nang ganu’n-ganu’n na lamang?

Hindi nga ba specific ang guidelines ng PD 1986 at kung babasahi’y napaka-general ng implementing rules and regulations ng Board?

Karamihan nga ba rito’y nakadepende lang sa interpretasyon ng kung sino man ang nakaupo?

Sa rami ng katanungan, panahon na nga siguro upang rebisahin ng mga senador ang kontrobersyal na PD 1986.

Pangit isiping at the mercy ng MTRCB ang pobreng mga taga-industriya. Kaya, paging Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla and Lito Lapid…


From: CONCERN PINOY IN AFGHANISTAN September 19, 2007 01:15am
Email: CLARKKALELKENT23@YAHOO.COM Germany


Sa simula pa lang ng termino ni Laguardia ay iba na ang dating nito..Gusto atang magbasiklab..Eh bakit di nya suspidihin yung noon timeshow ng channel 2 na parang beerhouse ang tema. Napapansin ko nung nasa Pinas ako pag opening number na nila eh humuhulod yung host nito sa harapan ng mga nagsasayaw na babae at sabay focus ng camera sa pagitan ng mga hita nito..Dancing is an art pero yung dating ng mga dancer dun na halos lumuwa na ang kaluluwa eh di ata napapansin ni Laguardia..Sayang ang apelyido nya kung di niya gagamitin sa tamang paraan. Di kaya may "KAPAMILYA" siya ?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...