Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Isyu ng condom, iniyakan ni Jennica

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, September 26, 2007

Isyu ng condom, iniyakan ni Jennica

NAHALUAN ng kaunting lungkot ang kasiyahan ng batang aktres na si Jennica Garcia nang pumirma ng kontrata bilang celebrity endorser ng isang apparel brand kahapon nang uriratin ng press tungkol sa blind item na nagsasabing pinayuhan ng ina niyang si Jean Garcia ang sinasabing BF na si Mart Escudero na gumamit ng condom.

Nauna rito, pinagbawalan na pala siya ng manager na si Manny Valera na sagutin ang naturang issue sa launching ilang Bonjour de Corp endorser, dahil in the first place, blind item nga itong lumabas.

Nag-usap daw sina Manny at Popoy Caritativo, manager naman ni Mart, at nagkasundong dedmahin ang issue.

Pero, ’yun nga, hindi pa rin nakalusot ang dalaga sa pag-uusisa ng writers, kaya’t napilitan pa rin itong sagutin.

Mangiyak-ngiyak pa si Jennica habang sinasabing hindi siya naniniwalang kayang sabihin ’yon ni Jean kahit pabiro lang.

Nahihiya rin daw siya sa daddy niyang si Jigo Garcia, dahil ang kasunduan pala nila’y papayagan siyang mag-artista basta’t hindi gagawa ng anumang hindi maganda.

Nangako raw siya sa ama, dagdag pa ng dalaga, na hindi gagawa ng anumang ikahihiya nila’t ang pagtutuunan ng pansin ay ang acting career.

Dinenay din nito ang obserbasyon ng marami na mag-on na sila ng StarStruck finalist at perennial screen partner.

Totoo raw na nanliligaw si Mart, pero wala pa sa isip ni Jennica ang pakikipag-boyfriend.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ni Jean ang tungkol sa condom issue at hindi siya sigurado kung aware na ang mommy niya rito.

Maging si Jigo raw, hindi pa niya nakakausap pagkatapos lumabas ng isyu, dahil ang huli nilang pagkikita’t pag-uusap ay nu’ng birthday ng kapatid niya.

Isang auntie raw ni Jennica ang nagpakita sa kanya ng mga naturang artikulo, na talaga namang ikinalungkot ng dalaga.

“Baptism of fire” nga raw na matatawag ang nasabing intriga’t may nagpayo pa sa kanya na part and parcel iyon ng pagiging artista.

“Hindi lang po talaga ako sanay,” katuwiran naman ni Jennica.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...