Marian `di na kayang tapatan ni Angel
NA-IMPRESS kami sa lakas ng dating nina Dingdong Dantes (bilang Sergio Santibanez) at Marian Rivera (bilang Marimar) dahil hanggang ngayon ay hindi matinag ang show na nilang Marimar.
Kayang-kaya nilang talunin ang kahit anong teleseryeng itapat sa kanila, at 47 percent na raw ang ratings ng Marimar ng GMA-7. Grabe!
Maging ang mga kaibigan namin sa Bacolod City ay ito na rin ang itinatanong sa amin, so ibig lang sabihin malakas talaga ang Marimar Mania! It’s everywhere, huh?!
Mabilis at malinaw ang shots ni Direk Joyce Bernal. Lagi naming sinasabi na hindi na uso ang mabagal ang pacing para may suspense. Matatalino na ang viewing public ngayon, ‘wag natin silang gawing bobo! In fairness sa Marimar, mabilis ang pacing at malinaw ang istorya.
Hindi nila ginagawang bobito ang audience, no wonder kung pati ang mga AB crowd ay na-hook na rin sa Marimar.
Bumagay talaga kay Marian ang role niya, it fits her well. Kung sa iba ibinigay ito, hindi siguro mabibigyan ng hustisya ang karakter na unang ginampanan ni Thalia, ‘di ba Angel? Aminin!
IS this the week na makaka-50 na ang Marimar?
Side story muna tayo sa premiere ng Hide and Seek ng Regal Films last Sunday night sa SM Mega Mall.
Bagama’t halos fans ng love team nina Jennica Garcia and Mart Escudero ang nagsipuntahan sa premiere, sa biglaang pagda-ting ni Marian Rivera in support of her fellow talent kay Popoy Caritativo na si Mart, si Marian ang nakakuha ng pinakamalakas na sigawan at palakpakan.
Kahit si Manny Valera who’s celebrating his birthday that night, was not surprised dahil nga sa pagiging phenomenal ng Marimar sa Tele Babad after Zaido Pulis Pangkawalakan.
This is Marimar’s 12th week at nagsisimula nang maghiganti si Marimar (Marian) sa mga Santibañez.
TULOY na ang demanda nina Piolo Pascual at Sam Milby laban kay Manay Lolit Solis matapos magbigay ng pahayag ni Tita Lolilt sa Star Talk nu’ng Sabado na pinaninindigan niya ang sinulat niya sa kanyang kolum nu’ng nakaraang linggo.
Sinabi ng matapang na TV host at kolumnista na she is sorry kung nasaktan man niya ang damdamin nina Piolo, Sam at ng mga taong nagmamalasakit sa kanila, pero hindi umano niya akalain na umabot na sa ganito kalaking isyu ang lahat. Napag-alaman din naming willing din naman daw na makipag-usap si Tita Lolit sa kampo nina Piolo at Sam.
Nagbigay na rin ng pahayag ang kampo nina Piolo at Sam, na dahil umano sa pagtanggi ni Manay Lolit na mag-public apology o baguhin ang kanyang mga naisulat, itutuloy na nila ang demanda laban sa TV Host.
Sa totoo lang, malayo na nga ang itinakbo ng isyung ito. Samu’t saring mga komento na ang aming naririnig.
Isa lang ang tanong ng lahat, bakit si Piolo raw ay nananatiling tahimik sa isyung ito?
Well, siguro ay nagsawa na rin ang aktor sa kaka-depensa sa sarili. Nasa New York daw ngayon si Piolo at tutuloy na ito sa Canada para sa shows nila roon kasama sina Sam at Pokwang. Si Sam naman ay tila hindi pa rin makapaniwala na na-involved siya sa ganitong isyu. Mula sa isang tahimik na buhay ay nakaladkad si Sam sa ganitong chorva kaya hayun, na-shock yata ang binata!
Ayaw ni Anne Curtis ng ganyan, huh?! Kaya pala galit na galit si Sam nu’ng mag-demand siya ng public apology on TV.
Pagbalik ng dalawang kontrobersyal na aktor ay saka nila haharapin ang demandang ihahain nila laban kay Tita Lolit. At siguradong hindi rin naman sila uurungan ng matapang na TV host/ kolumnista.
* * *
SPEAKING of Piolo, walang takot ang isang member ng bagong (take note, new, huh?!) Baywalk Bodies na si Wella Williams na sabihing super type niya si Papa Piolo. Pinapili namin siya kung sino kina Piolo at Sam ang mas type niya eh, ang nagwagi, si Piolo!
Nu’ng tanungin namin siya kung ano ang meron si Piolo at nagustuhan niya ito, ang sagot: “Kasi po, even though may ganoong isyu ( anong isyu ang ibig sabihin ng girl na itetch?) eh, magaling siyang magtago!” sabi pa ng girlash.
O, di ba?
GMA Network humataw sa CMMA
ANIM na major awards at isang special citation ang inuwi ng GMA Network mula sa katatapos na 29th Catholic Mass Media Awards.
Humakot ang Kapuso Network ng apat na awards mula sa news and public affairs category.
Kasama sa listahan ang 24 Oras para sa Best News Program; Philippine Agenda para sa Best Adult Educational Program; Wish Ko Lang, Best Public Service Program; at Kapuso Mo Jessica Soho(KMJS), na tumabla sa The Correspondents ng ABS-CBN sa Best Magazine Program category.
Samantala, ang Mga Kuwento ni Lola Basyang at Magpakailanman naman ay nangibabaw sa ibang entries para maiuwi ang Best Children’s Program at Best Drama Program trophy.
Personal na tinanggap nina Jessica Soho at Mel Tiongco – hosts ng KMJS at Magpakailanman ang mga ibinigay na parangal.
Iginawad din sa GMA Network ang special citation na Best Public Service Advertisement para sa election advocacy campaign nito na Sa Isa Kong Boto.
Ang CMMA ay binubuo ng lupon ng mga obispo mula sa iba’t ibang parte ng bansa at itinuturing na isa sa pinaka-credible na award-giving bodies ng Pilipinas.
Si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang chairman ng CMMA.
Gracia balik-Eat Bulaga
By: Ernie Enrile
MISMO
KUNG beauty ang pag-uusapan, isa kami sa naniniwalang mas maganda pa rin ang ina kesa sa anak.
Ang tinutukoy namin ay ang mag-inang Jean at Jennica Garcia, na magkasama for the first time sa pelikulang Hide and Seek ng Regal Entertainment.
Acting-wise, siyempre, marami pang kakaining bigas, ’ika nga, bago mapantayan ni Jennica ang madir. Dapat ding ikonsidera ng una ang staying power ng huli.
Kung may dapat ipayo si Jean sa nag-aartista na ring anak ay ang pagiging totoong tao nito sa lahat ng nakakasalamuhang kasamahan sa industriya, lalo na ang press.
’Yung tipong kapag naipakilala na, hindi man matandaan ang pangalan, sana man lang ay mamukhaan niya ito.
At her age (18 years old), dahil yata sa kadidikit ng ka-loveteam at kapareha sa Hide and Seek na si Mart Escudero, may tendency na maging makakalimutin itong si Jennica.
Naku, hija, ingatan mong huwag mapabilang sa listahan ni Snooky Serna na “mga plastk na tao sa showbiz.”
Anyway, bukod sa mag-inang Jean at Jennica at Mart, kasama rin sa said Halloween presentation ng Regal sina Eric Quizon, Alessandra de Rossi, Ryan Eigenmann and child performers Julio Pisk and Angel Sy.
* * *
Isang certified girlash, as in, totoong mujer, si Rita Paraiso, isa sa mga bagong alaga ni Andrew “Mamu” de Real ng pamosong The Library sa Maria Orosa, Malate, Manila.
Kabilang si Rita sa ginawang grupo ni Mamu, ang “Women of the Library,” na kung kantahan din lang ang pag-uusapan ay kayang makipagsabayan sa mga sikat na all-female singing group ngayon.
Dating band member si Rita na nakapag-ikot na sa iba’t ibang panig ng mundo. When she’s in Manila, isinasalang siya bilang host sa The Library, at nagkakaroon ng special shows every once in a while, tulad ng magaganap ngayong gabi.
Yes, she will be featured in a show, Rita in Rhythm. Makakasama ni Rita sa naturang show ang dalawa pang members ng “Women of the Library” na sina Shryl Kan at Orca (ng Fan Session) kasama si Peter Hilton.
Ang guest ni Rita ay ang mahusay na singer na si Juaquin Garcia.
You can get your tickets at The Library, 1739 Maria Orosa St., near Nakpil and Gen. Malvar Streets, Malate, Manila, or call 522-2484.
* * *
Meanwhile, may Halloween treat ang The Library bukas, Oct. 31, ang Hallow-Win.
Inaanyayahan nila ang lahat to “come in your best costume” and win big, big cash prizes.
May special participation at makikisaya rin sa buong magdamag ang Raging Divas and the Wednesday Gang of The Library. Doors open when darkness sets in.
* * *
Tulad ng hula namin, si Gracia nga ang tinukoy ng Eat Bulaga na dating female dabarkads na nagbabalik sa show.
Tatlo muna ang pahulaan ng EB, kung sino raw kina a) Ciara Sotto, b) Gracia at c) Chuchay (o Gladys Guevarra), ang muling makakapiling ng grupo nu’ng Sabado.
Parang imposibleng si Ciara, dahil nag-aaral pa yata ito ngayon sa Amerika. Lalong imposibleng si Gladys, dahil bukod sa balitang buntis, nasa Amerika rin ito ngayon.
Sayang at tanghali kami nagising noong Sabado kaya hindi namin napanood ang number ni Gracia, ang pinasikat na ‘round girl’ sa isang game portion ng programa noon.
At any rate, tiyak na very much welcome pa rin si Gracia ng maraming tagasubaybay ng EB kung sakaling maging regular uli ito sa No. 1 noontime show ng bansa.
* * *
Nu’ng Sabado, pinabilib ang jampacked crowd ng Zirkoh, Timog, kabilang ang ilang movie press, ng bagong grupo na pinagsama-sama ni Direk Manny Valera, ang Boyz.Com, sa kanilang unang concert.
Aba, performance level ang limang guwaping na binubuo nina Polo Ravales, Frank Garcia, Alwyn Uytingco, Gabb Drilon at Joseph Bitangcol.
May kanya-kanya pang solo number ang limang damuho upang patunayan na may boses silang puwedeng ipagmalaki at ika-insecure ng ibang boy band gaya ng Studs. Hmp!
Tiyak na magkakaroon agad ng repeat performance ang Boyz.com sa Zirkoh, kaya, congrats!