Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Shooting ng Kamandag, Tuloy Na!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 18, 2007

Shooting ng Kamandag, Tuloy Na!

Mula sa gym ay dumeretso ako sa supposed-to-be ay last taping ng Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Sina Diana Zubiri at Paolo Paraiso ang inabutan ko sa set at istorya pala ‘yon ng babaeng nanalo sa ‘Miss Ugly No More’ contest.

Dumalaw ako sa taping na ‘yon dahil kumalat ang balitang ‘yon na ang last episode ng Magpakailanman, pero may magandang ibinalita ang executive producer nilang si Joseph Buncalan.

Extended nang 4 episodes ang Magpakailanman dahil hindi pa makakapag-taping si Iza Calzado para sa Sindak, ang show na papalit sa timeslot ng show ni Tita Mel.

Happy ang staff ng Magpakailanman dahil kahit magtatapos na ang kanilang show ay nananatiling mataas ang rating ng bawat episode nila.

***

Noong Lunes ay nagsimula nang mag-taping si Richard Gutierrez para sa bago niyang primetime series sa GMA 7, ang Kamandag.

Excited ang binata sa istorya ng Kamandag at gustung-gusto niya ang bagong show na ibinigay sa kanya ng Siyete.

Ibang production staff na ang katrabaho ni Richard sa Kamandag. Madaling nakapag-adjust ang binata sa mga ito.

Kung mahirap ang mga nakaraang primetime series ni Richard sa Siyete, parang mas mahirap ang Kamandag, pero walang reklamo ang binata.

Isa pa, natutuwa si Richard dahil almost two weeks din siyang nakapagpahinga sa Amerika bago sinimulan ang taping ng Kamandag.

Noon palang nasa Amerika si Richard at kasama niyang nag-shopping ang nanay niyang si Annabelle Rama ay binilhan na niya ito ng birthday gift.

Sa kuwento sa amin ni Bisaya, pinamili raw siya ni Richard ng gusto niyang birthday gift.

Sa Oktubre 31 na ang birthday ni Bisaya at gusto raw ni Richard na ito ang unang magbigay ng regalo sa kanya.

Puring-puri ni Bisaya ang anak dahil very generous din ito sa mga kapatid.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...