Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Jean, nanginig sa halik ni Polo

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, October 26, 2007

Jean, nanginig sa halik ni Polo

Magbilas ang role nina Jean Garcia at Polo Ravales sa La Vendetta as Amanda Cardinale and Gabby Trajano, respectively. Magkakaroon sila ng fling at may kissing scene pa.

Take one kinunan ang eksena ng 7 a.m., nag-toothbrush si Polo at iniwasang ma-tense.

Nanginig si Jean habang kinukunan ang eksena at akala ni Polo, siya ang nanginginig, pero nang makita ang kamay ng actress na humahaplos sa kanyang mukha, du’n nakita ang panginginig nito.

Sa harap namin, tinanong ni Polo kung bakit ganu’n ang reaction ni Jean?

“Siyempre, kissing scene ’yun. Suwerte mo, Polo, dahil ’di ako nakikipag-kissing scene, kinabahan ako’t after three years, ngayon lang uli ako may kissing scene. Wala akong naramdaman, inisip ko trabaho ’yun,” wika ni Jean.

Natawa ang press nang ipakilala ang role niyang si Amanda na mukhang pera. Kontrabida role na naman ito at she’s really bad here.

Sa Monday na ang pilot nito sa GMA-7.

* * *

Ang bagong regular show sa GMA-7 ang isa sa mga rason ng pagbabalik ni Billy Crawford sa November 3. Host siya ng dance search na Versus Celebrity Dance Match, ang show na magpa-pilot sa Nov. 18 sa direksyon ni Rommel Gacho.

One season tatakbo ang show na papalit sa Ride to Fame at habang ’di pa umiere, hahabaan muna ang oras ng SOP.

Iba’t ibang sayaw ang mapapanood dito, na kung i-describe ni Rams David ay “search within a search.” Celebrity at professional dancers ang magti-team-up para manalo.

* * *

May sexy pictorial pala si Joseph Bitangcol para sa Frontman magazine, pero sa ibang bansa ito lumabas. Manghihinayang ang mga bading na ’di makikita ang mga litrato, gaya ng na-site namin sa cellphone ng kanyang ina, na nakahiga siyang nakahubad at mga dahon lang ang nakatakip sa manhood.

Nag-expire na ang kontrata ni Joseph sa ABS-CBN, pero bibigyan pa rin siya ng show at libre na siyang lumabas sa GMA-7.

Balita namin, magi-guest siya sa Boys Nxt Door. Kasali rin siya sa indie film na Paupahan kasama sina Jay Manalo, Kirby de Jesus, Snooky Serna, Allen Dizon (na siya ring producer) at Gloria Romero.

Samantala, sa bukas ang second night ng Boyz.Com Live! sa Zirkoh Timog sa Quezon City, with guest Giselle Sanchez.

Umaasa si Joseph at ang members ng Boyz.Com na magiging tagumpay ang show gaya sa Oct. 20 show nila sa Klownz Angeles City.

Hit ang Sexy Back solo number nito at isa ’yun sa most applauded.

Hindi pa man kumpirmado, natutuwa na si Joseph sa narinig na balak ng co-producer ng DMV Entertainment na ang repeat ng kanilang show ay gawin sa Teatrino sa November.

* * *

Kontrabida ni Rufa Mae Quinto si Ai-Ai de las Alas sa Booba, ang first movie nila together, pero sa muli nilang pagsasama sa Pasukob ng OctoArts Films, pareho na silang bida.

Nagbiro pa ang huli na mas una ang name niya sa billing sa poster ng movie.

Puno ng katatawanan at kalokohan ang pelikulang dinirek ni Wenn Deramas at comeback movie rin ito ni Mahal, na gumaganap sa nakatatawang role.

Ayaw naming mag-spoiler, sa premiere night sa November 26 o sa regular showing sa Nov. 28 n’yo malalaman ang role nito.


Tungkol sa pag-e-emote niya sa ex-BF na si Erik Santos, ani Rufa Mae, “Na-realize ko na there’s no reason to get mad. Na-shock lang talaga ako at inisip ko, sinadya niyang hindi ako banggitin.

“Understandable naman ang nangyari, moment niya ’yun at ’di ako dapat sumabay. Lesson learned, ’wag umasa, ’wag mag-dwell at ’wag mag-gown.”

* * *

Nagsasaya na naman ang mga taga-Marimar sa 47.9 percent ratings nito last Tuesday at sa itinatakbo ng istorya ng telenovela, hindi malabong umabot ito sa 50 percent.

Exciting din ang Friday episode, kung saan sisimulan na ni Bella/Marimar ang paghihiganti kay Sergio (Dingdong Dantes).

Pumayag siyang makipag-date sa asawa, pero sa dinner date, isinama niya si Rodolfo Sta. Gines (Marvin Agustin), na ikinapikon ni Sergio at umalis na lang. Ang hindi niya alam, sinundan siya nito sa bahay.

Samantala, after makuha ni Angelika (Katrina Halili) ang kayamanan ni Renato (Richard Gomez), si Sergio naman ang kanyang hahabulin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...