Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Marian, hindi pakialamera at hindi feeling beautiful

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 18, 2007

Marian, hindi pakialamera at hindi feeling beautiful

IRITADA pala ang isang kasamahan sa panulat kay Marian Rivera. Feeling big star na raw ang bida ng Marimar.

Ang tsika ng imbiyernang writer, pati raw ang script ng Marimar pinakikialaman ni Marian.

Minsan daw, kahit wala naman sa script, may mga ginagawa si Marian, tulad na lang ng pananampal nito kay Bianca King.

Nagpi-feeling beautiful din daw si Marian, na akala mo’y pinapantasya siya ng lahat ng lalaki.

Ni-name pa nito si Wendell Ramos bilang isa sa mga naaasar kay Marian.

Diumano, ang dialogue ni Wendell ay, “Akala mo naman lahat ng lalaki, may crush sa kanya.”

In fairness to Marian, tinawagan namin ang manager niyang si Popoy Caritativo, na gulat na gulat sa naglalabasang isyu.

Ani Popoy, hindi totoong nakikialam ang alaga niya sa script ng Marimar.

Totoo raw na minsan ay nagsa-suggest si Marian ng mga puwedeng gawin, pero kadalasan, ito ang pinagsasabihan ng direktor na gawing makatotohanan ang bawat eksena.

Hindi rin daw kasalanan ni Marian kung maganda siya sa paningin ng iba, lalo na ng mga kalalakihan.

Ikaw ba naman ang gumanap na Marimar at gumiling-giling na parang ahas, eh. Kasalanan nga ba naman ni Marian kung pagpantasyahan siya ng mga lalaki?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...