Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Panliligaw ni Billy, pinatigil ni Marian

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 22, 2007

Panliligaw ni Billy, pinatigil ni Marian


LAGING masaya sa taping ng Marimar dahil ilang araw ng plus 40 percent ang rating ng telenovela.

Uso ang blowout sa staff at ang biruan, subukan nilang i-hit ang 50 percent rating. Tuwang-tuwa ang lahat dahil nalampasan nila ang highest rating ng original Marimar na 39 percent at sumobra pa sila.

Mapapraktis ang Spanish ni Marian Rivera dahil may eksenang mag-i-Spanish siya. Naikuwento tuloy nito na Spanish ’pag nag-uusap sila ng ama na sa Madrid nakatira.

Alam nito ang nangyayari sa kanyang career at masaya para sa kanya.

Hindi lang maiwasan na habang tumataas ang rating ng show, dumarami ang intriga sa cast, lalo na kay Marian.

Na-isyung nakikialam siya sa script at nagpaliwanag ito.

“Totoo ’yun, pero dahil ang bilin sa amin ni Direk Joyce (Bernal), kung ano ang mas maganda at mas nararamdaman naming sabihin, gawin namin. Mas gusto ni Direk na tama at ’di masyadong scripted ang dialogue para mas ma-appreciate ng viewers.”

May nasulat din na na-in-love si Marian kay Billy Crawford at siya pa ang nagti-text dito, pero hindi raw reciprocated ng singer ang feelings ni Marian.

Ang alam namin, nanligaw si Billy nu’ng nandito pa, bumibisita sa bahay, tumatawag, nagti-text at kumakain sila sa labas, pero pinatigil siya ng actress for reasons na ayaw na nitong ikuwento.

Sa fans ni Marian, abangan ang labas sa November ng TVC ng dalawa pa niyang endorsements. Ang una’y juice at kasama niya ang isang Kapuso at Kapamilya talent at susunod ay gamit sa cellphone.

Cover din siya ng November issue ng Preview magazine.

* * *

NA-BLIND item na lilipat sa GMA-7 si Anne Curtis after her contract with ABS-CBN expires.

Kaya nang ma-interview namin siya sa presscon for her 10th anniversary in showbiz, inalam namin ang tungkol dito.

Hindi nito alam ang isyu at itinuro ang manager na si Veronique del Rosario-Corpus. Ito raw ang aming tanungin dahil ito ang nakaaalam, pero ang alam niya, marami pa siyang gagawin sa ABS-CBN.

Isa rito ang The Wedding nila nina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay at ang Book 2 ng Maging Sino Ka Man.

Tinatapos din niya sa Star Cinema ang Waiting for Love movie nila ni Aga Muhlach at sure siyang may kissing scene sila.

“Nanghihinayang lang ako dahil sa kabila (Channel 7) ang Dyesebel. Dream role ko ’yun, bata pa ako. Hayaan na lang natin, sa kanila ang TV show, movie na lang ang gagawin ko,” sabi nito.

* * *

BAGAY kina Jennica Garcia at Mart Escudero ang Hide and Seek dahil pareho silang may nakakatakot na experience noong bata pa sila.

Kahit papaano, nagamit nila ’yun sa pag-i-emote sa eksena nila sa pelikula, na may premiere night sa Cinema 6 ng SM Megamall sa October 28, at Oct. 31 naman ang regular showing.

Walang makalaro si Jennica noong bata pa, kaya may imaginary friend ito. May parte sa kanyang kuwarto na nilagyan ng kurtina at bawal puntahan ng kahit sino.

Si Mart naman, may boses bata na tumatawag sa kanya at gustong makipaglaro tuwing nagsi-CR siya.

Sinasagot niya ang tumatawag na ’pag tinitingnan ay walang makitang tao. Mabuti na lang at nalampasan na nila ang stage na ’yun sa kanilang buhay.

Hindi na naitago ng dalawa na may MU o mutual understanding na sila a few weeks ago pa lang.

Sabi ni Mart, loyal siya at naniniwala si Jennica dahil napi-feel niyang special siya sa ka-loveteam. Sumama na rin ito sa kanyang magsimba sa Greenhills Christian Fellowship.

“Mabait siya at inaalagaan ako. Hindi ko na kailangang sabihin dahil ginagawa na niya. Basta ako, ’di ako magtitiwala sa guy na walang takot sa Diyos. Kung ’di kami nagkakaintindihan ni Mart, ’di kami ganito ka-close,” wika ni Jennica.

* * *

IBA’T ibang balitang showbiz ang napanood sa Showbiz Central last Sunday at isa sa pinakamalaking balita ay ang mala-marriage proposal ni Vic Sotto sa nobyang si Pia Guanio.

Direct to the point ang tanong ng TV host-comedian na “gusto mo ba akong maging asawa?” at mahabang “yessss” ang sagot ni Pia.

Akala namin, isusunod na ni Vic ang “will you marry me?,” pero “happy birthday” at “I love you very much” ang sinabi nito.

Pinahulaan din nito ang birthday gift niya kay Pia na five-letter word at nag-i-start sa letter “S.”

Ipinakita ang eksena after Celebrity Duets, na pinanalunan ni Tessa Prieto-Valdes. Pero, feeling winner din si Jessica Bunevacz, na niregaluhan ng asawang si David Bunevacz ng X5 BMW Klassik worth P5 million.

Si Dr. Hayden Kho Jr. naman, concert sa Music Museum sa December 4 ang gift ng girlfriend’ng si Dra. Vicki Belo na sa tuwa, nagsisigaw.

Hindi kaya mapahamak si Mo Twister sa inaming mas minahal niya si Janet McBride kesa kay Bunny Paras, kung saan may anak siya?

Ipinakita rin ang foreigner boyfriend ni Jackie Forster na hindi na pinangalanan.

Sa phone-patch interview kay Lolit Solis, sinabi nitong willing siyang humarap sa kampo nina Sam Milby at Piolo Pascual kung gusto siyang kausapin.

Pero, nanindigang wala siyang sinulat na paninira sa dalawa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...