`Magpapakailanman' di titigbakin
PATULOY na mapapanood ang Magpakailanman ng GMA-7. Hindi totoong mahihinto na ang show. Mismong ang host nitong si Mel Tiangco ang nagsabi sa press na hindi pa rin siya tumitigil sa pagti-taping at pag-iinterbyu sa mga taong napili para maisadula ang kanilang kasaysayan sa show na ipi-nalalabas tuwing Huwebes ng gabi.
Ayon kay Mel, “May taping pa nga ako sa Nov. 4 kaya paanong mahihinto ‘yong telecast ng show?”
Samantala, sinabi rin sa amin ng executive producer na si Joseph Buncalan na kuryente ang balitang titigbakin na ang MKM.
Ang MKM daw ang nag-iisang drama anthology na talagang nagri-rate nga-yon kaya imposibleng matigbak ito.
‘Nga pala, may fund raising campaign ngayon ang Kapuso Foundation. Magri-release sila ng isang album na pinamagatang Isang Kinabukasan.
Ang title track ay sinulat at ginawan ng musika ni Wency Cornejo at inawit naman ng mga Kapuso singers na pinangungunahan nina Regine Velasquez, Janno Gibbs at Ogie Alcasid.
Mabibili ang album ngayong Kapaskuhan sa mga record bars.
* * *
MABABAGO ang takbo ng istorya sa Boys Nxt Door sa sususnod na episode. Magiging mala-horror na ang dating nito. Iaayon ang episode sa Halloween.
Anyway, maraming surprises ang magaganap sa buhay ng mga kabataan. Hindi lang pag-uusapan ang relationship nina Mart Escudero at Jennica Garcia, bagkus may isa na namang young actress ang papasok sa istorya na ikagugulat ng cast.
Sa magandang takbo ng istorya, no.1 na nga-yon ang Sunday soap ng GMA 7.
* * *
BIBIGYAN ng big birthday celebration si Mannilyn Reynes sa SOP ngayong Sunday. May big party si Manilyn dahil isa na rin siyang certified Kapuso stars.
Bukod sa regular show niya na Moms, kung saan kasama niya sina Sherilyn Reyes at Lani Mercado, napapanood din siya sa Marimar.
Sa SOP din magkakaroon ng launching ang bagong album ni Kyla. Pati ang first airing ng MTV ng Kapuso Foundation album na Isang Kinabukasan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home