Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Jean Garcia bawal mag-travel!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 18, 2007

Jean Garcia bawal mag-travel!

PINAG-AARALAN ng Regal Entertainment kung ihaharap pa si Jean Garcia sa presscon ng Hide and Seek.

Iniiwasan nina Mother Lily Monteverde at talent manager ni Jean na si Manny Valera na pag-usapan pa ang nangyari sa actress sa Surigao del Norte na tiyak na itatanong ng press.

Dahil sa nangyari, bawal kay Jean mag-travel, local man o abroad, bilang pag-iingat.

Hindi tinanggap ni Manny ang request ng producer ng isang Tanzanian TV na nag-imbita sa actress na pumunta sa Tanzania para makita ng kanyang fans.

Sikat ang actress doon dahil sa Pangako sa ’Yo na palabas doon.

Tempting ang offer ng producer na sasagutin ang airfare ni Jean at apat na kasama, pero gusto man silang pagbigyan ni Manny, tinanggihan nito ang offer.

Hindi rin naman makaaalis ang actress dahil nagti-taping ng La Vendetta ng GMA-7, na malapit nang umere.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...