’Di ko ipagpapalit si Sergio kay Billy – Marian
MUNTIK na palang hindi makadalo ang Marimar star na si Marian Rivera sa three-day Kapuso Masskara celebration sa Bacolod City nu’ng nakaraang linggo.
Sa rami kasi ng nag-book para sa taunang piyesta, nahirapang makakuha ng flight pauwi ng Linggo ang handlers ng dalaga, ayon sa manager niyang si Popoy Caritativo.
Kinailangang bumalik agad ni Marian at ng kaparehang si Dingdong Dantes dahil may location taping pa ng Marimar kinabukasan, Lunes, sa Pampanga.
Kahit ngarag sa madaliang biyahe, masuyo pa rin itong nakiharap sa mga tagahanga, pati na sa Manila at local-based writers sa mall show na idinaos sa SM City Bacolod Entertainment Center ilang oras matapos lumapag sa tinaguriang City of Smiles.
Hindi lang iisang writer ang nagsabing super payat ngayon ang dalaga. Sinadya raw niya ang pagdidiyeta bilang paghahanda sa transformation ni Marimar bilang Bella Aldama sa top-rating na serye ng Siyete at sa papel na mala-Tessa Prieto-Valdez sa Desperadas, ang Metro Manila filmfest entry ng Regal Entertainment.
Bukod sa regular na pagwu-workout sa gym, hindi rin siya naghahapunan. Ang resulta: Ang 23-inch waistline, na kapansin-pansin tuwing gumigiling mala-Thalia.
Pinaaabangan nito sa mga manonood ang pagsusuot niya ng two-piece bilang Bella Aldama.
Sinagot din nito ang isyu tungkol sa diumano’y paghahabol niya sa international singer na si Billy Crawford. Ani Marian, hindi totoo ang tsika.
Katunayan, ni hindi nga raw siya nanood ng concert nitong It’s Time sa Araneta Coliseum kamakailan lamang.
Ayon sa balita, totoong nanligaw si Billy kay Marian, pero pinatigil ito ng huli sa ’di malamang kadahilanan.
Ang sabi pa, ang Desperadas co-star niyang si Rufa Mae Quinto, na minsan na ring na-link kay Billy, ang source ng hindi magagandang tsismis tungkol kay Marian.
Kahit anong pilit, ayaw patulan ng dalaga ang tsismis. Ipagdarasal na lang daw niya ang mga naninira sa kanya.
Kung sina Dingdong at Dennis Trillo, fellow ward kay Popoy, ang tatanungin, wala silang makitang pagbabago o paglaki ng ulo sa bagong reyna ng GMA-7 primetime block.
Depensa ni Dingdong, hindi totoong nakikialam si Marian sa script ng Marimar o maging sa pagdidirek ni Bb. Joyce Bernal.
May running policy daw sila sa set na lahat sila’y puwedeng gawin ang sa tingin nila’y makagaganda sa isang eksena. Pati raw dialogue, puwede nilang i-improvise ng naaayon sa kanilang panlasa.
Nang hingin naman ang reaksyon ng BF ni Karylle tungkol sa Marian-Billy isyu, nagbiro itong kailangan muna siguro niyang mag-aral sumayaw para matapatan man lang ang kagalingan nito sa stage.
Pero, biglang bumuwelta si Marian at sinabing, “Hindi ko naman ipagpapalit si Sergio (Dingdong) kay Billy.”
As for Dennis, sinabi nitong masaya siya para sa matalik na kaibigan, lalo pa’t pumapalo ang Marimar sa 40 percent rating.
Hindi man daw sila madalas magkita ngayon dahil sobrang busy si Marian, sigurado siyang wala sa tipo nito ang magbabago dahil sa tinatamasang kasikatan.
“Hindi niya (Marian) ilalagay ang kasikatan niya sa ulo,” dagdag pa ng isa sa tatlong bida ng metal hero series na Zaido.
Naniniwala rin siyang ganu’n na nga kasikat si Marian para kainggitan ng marami.
“Sa tingin ko, oo, may mga naiinggit, kasi may mga intrigang ganyan, eh,” dugtong pa ni Dennis.
* * *
HINDI lang ang Kapuso stars ang naging abala sa selebrasyon ng Masskara Festival, kundi maging ang deejays ng numero unong Radio GMA 107.1 Campus Ayos Bacolod.
Isa na rito ang station manager na si Dino “Ding” Vasquez, na lumagare sa paghu-host ng magkasunod na mall shows ng mga bumisitang artista at ilan pang aktibidades.
Tubong-Laguna si Ding, 32, na 20 years nang naninirahan sa Bacolod.
Siya ang itinuturing na “heartthrob” (’di ba, Dolly Anne C. at Barbs A.?) ng Campus Radio Air Team, na kinabibilangan din nina Rally Vargas, program director; Nilo Antonio Gromea, Jimmer Monserate, Niño Andrew Ganzon at Rey Pinongan, a.k.a. Papa Cholo/Lady C. (bayaw ng character actress na si Vangie Labalan).
Mas kilala ang grupo sa taguring “Papa,” ang unified station programming ng lahat ng GMA regional stations.
Hango ito sa patok na programang Talk to Papa, na unang sumikat sa Davao City.
Pero, mabilis na hirit ng Campus DJs, na “papable” lang sila sa ere, dahil may kani-kanya nang pamilya sa totoong buhay.
Si Ding o Papa Dino, anchor ng Talk to Papa sa Bacolod mula Lunes hanggang Sabado, 1-3 p.m., sina Rally at Jimmer lang ang certified “bachelors” sa anim.
Enero lang ng kasalukuyang taon nag-umpisa ang reformatting ng Talk to Papa, na tumatalakay sa halos lahat ng aspeto ng buhay, gaya ng problema sa puso, pera at kung anu-ano pa.
Ang iba pang mga programang handog ng Radio GMA 107.1 Campus Ayos ay ang Tunog Kapuso ni Rally (a.k.a. Papa Gio), Monday-Saturday, 9-11 a.m.; Unang Sirit ni Nilo (Papa Paolo), Monday-Saturday, 6-9 a.m., at Top 20 @ 12, Monday-Saturday, 12-1 p.m.;
Three Play ni Jimmer (Papa Franco), Monday-Saturday, 3-5 p.m., at Message Center, Sundays, 9-11 a.m.; Six in the City ni Nino (Papa Bojo), Monday-Saturday, 6-9 p.m., at Tambayan, Monday-Saturday, 5-6 p.m.; at Hoy, Pinoy ni Rey (Papa Cholo/Lady C), Monday-Saturday, 4-6 a.m., Todo Hataw, Monday-Saturday, 11-12 noon, at What! Duh! Ewww!, Saturdays, 8-11 p.m.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home