Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: EB Babes, ginamit sa sex video

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, October 12, 2007

EB Babes, ginamit sa sex video

Nakaloloka ang drama ng kilalang bading na direktor sa kanyang dyowang nakapag-asawa ng mayamang matrona.

Itong si direk ay may dyowang isang guwapong nagba-basketball sa mga bara-barangay at medyo may kahirapan.

Matagal na ang kanilang relasyon. Hindi na gaanong natustusan ni direk si guwapo dahil hindi na rin gaanong kumikita si direk.

Nakiusap si direk sa isang kaibigang bading na ipakilala ang dyowa niya sa taong pwedeng pagkakakitaan.

In short, naipakilala si guwapo sa isang mayamang matrona. Nagkagustuhan ang guwapo at matrona hanggang nagpakasal sila sa isang kilalang isla.

Simple pero maganda ang kasalang iyun na dinaluhan ni direk.

Walang kamalay-malay ang mayamang matrona na matagal nang magdyowa si direk at ang lalaking pinakasalan niya.

Itong si lalaki na ang nagbibigay ng datung kay direk galing kay matrona.

Ang saya-saya nila!

***

Nagulat ang mga miyembro ng EB Babes nang ipinakita ko sa kanila sa cellphone ang kumakalat na sex video kuno nila.

Ang title ng 45-second video na iyun ay EB Babes GMA 7. Tampok doon ang mga babaeng topless, may naka-shorts na nagsasayawan, merong nagpakita ng boobs at puwet, nagtatawanan at merong nagmumura.

Unang ipinakita ko ito kay Ms. Malou Choa-Fagar, at unang tingin pa lang niya, natitiyak niyang hindi EB Babes ang mga ito.

Meron pang sumigaw ng "Sayaw, Miggy!" Wala raw ganung pangalang miyembro ng EB Babes.

Nakita na rin iyon ng ilang hosts ng Eat Bulaga at natitiyak din nilang hindi sila EB Babes.

Merong nagpakita ng malaking boobs, at siguradong hindi ito EB Babe dahil wala sa kanila ang may ganun kalaking boobs.

Tinitiyak din ni Tito Joey de Leon na wala sa taga-EB Babes ang nagmumura.

Nang ipinakita na sa EB Babes ang video, gulat na gulat sila dahil hindi raw sila iyun.

Merong parang kamukha ng ilang miyembro nila pero tiyak na hindi sila.

"Lahat po kami, flat-chested, hindi po ganyan kalaki," tili ng isang miyembro.

Si Lian Paz ay kaagad na tinawagan daw ni Mark Herras para tanungin kung totoo itong kumakalat na video, at natatawa na lang daw siya.

Obviously, paninira lang daw ito sa kanila ng kung sino mang gustong sirain din ang Eat Bulaga.

Kakapanayamin ni Tito Joey ang mga EB Babes sa Startalk.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...