Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Si Marian Rivera ang totoong dahilan kung bakit lumayas sa Siyete si Angel Locsin

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 22, 2007

Si Marian Rivera ang totoong dahilan kung bakit lumayas sa Siyete si Angel Locsin

IBINULALAS na ni Angel Locsin ang talagang dahilan kung bakit ‘lumayas siya sa ‘kinalakhan’ niyang network, ang GMA-7.

Ang reason behind, ay ang ‘pagkasulot’ sa kanya ni Marian Rivera sa soap na Marimar. Siya raw kasi sana ang gaganap dito bilang Marimar, kaya lang sa hindi malamang dahilan, ibinigay ito kay Marian. So natural, sa sama ng loob dahil hindi napasakanya ang isang ma-tatawag na ‘dream role’ sa TV, ipinasiya niyang lumipat na lang ng istasyon, at ito ay balitang sa pag-ud-yok ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Ang Marimar ay alam ng lahat na para sana kay Angel. And we can’t deny the fact that the soap is doing very well now, at ang karangalan sa pagganap dito ay na-punta kay Marian Rivera. Pero, walang panghihinayang naman umano kay Angel pagdating sa ba-gay na ‘yan.

“Ibig lang sa-bihin ay hindi para sa akin (ang Marimar) kundi para kay Marian. And I’m proud of her,” wika ni Angel.

Pero, naging emotional si Angel nang tinanong siya na since ma-lapit na ang Pasko, wala ba si-yang balak ma-kipag-ayos sa mga nakasamaan niya ng loob sa kanyang home studio? Hayun at naiyak na si Angel.

“Siyempre, gusto ko po talagang makipag-ayos sa kanila (taga-Si-yete), pero ang gusto kong gawin ito nang perso-nal.” ‘yun lang ang sinabi ng ak-tres at naiyak na siya.

Paulit-ulit ding sinabi ni Angel na wala siyang pinagsisisihan sa gina-wang paglipat sa Dos at para sa kanya ay trabaho lang ang lahat. Aniya, kailangan ni-yang mag-move on at lahat ng mga taong nakasama-an niya ng loob ay makakasa-lubong din daw niya sa ibang pa-nahon.

Mainit ding pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa is-yung Piolo Pascual at Sam Milby. Diumano’y nakita raw kasi ang dalawang ak-tor na magkasama at sweet daw sa isa’t isa sa poolside ng isang hotel. Pero, contradicting ang mga kaganapan dahil sa pahayag ni Becky Aguila.

Ayon sa aming nabalitaan ay sinabi ni Tita Becky na si Piolo ay kasama ni Angel nu’ng nakaraang Biyernes mula alas-4 ng hapon. Sinang-ayunan na-man ito ni Angel. Ipinagtanggol niya si PJ at sina-bing unfair daw sa aktor ang mga lumalabas na ba-lita dahil kasama nga talaga niya si Piolo for a photo shoot for Timex sa isang lugar sa Makati. Imposible raw na si Piolo ang taong nasa balita at unfair daw ito sa aktor.

“Napakawalang kuwentang tao ko naman kung hindi ko sasabihin kung ano ang totoo, di ba?” mariing sabi pa ni Angel

Aniya, unfair daw kay Piolo ang naglalabasang intriga kaya hindi siya nagda-lawang isip na ipagtanggol ang bagong kapareha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...