Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Francine Prieto, kontrabida sa Kamandag

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 15, 2007

Francine Prieto, kontrabida sa Kamandag

Ito ang pangalawang kontrabida role ni Francine, na bale paghahanda na rin niya sa kanyang gagampanang villain role sa TV sa bagong telefantasya ni Richard Gutierrez sa GMA na Kamandag.

Pinagkuwento namin si Francine tungkol sa Kamandag at nakakuha kami sa kanya ng mga advance info tungkol sa show.

Aniya, lahat silang mga karakter sa Kamandag ay kalahating tao at kalahating hayop. Ang bida ay si Vergel (Richard) na anak ng hari ng mga ahas (Bong Revilla).

Si Francine ang nag-iisang babaeng lider sa hanay ng mga kontrabida. Siya ang reyna ng mga musang (wild cat) na si Kuran.

Si Zoren Legaspi ang hari ng mga lobo (wolf), si Benjie Paras ang hari ng mga unggoy, at si Johnny Delgado ang hari ng mga toro (bull).

Yes, may lobo karakter din sa Kamandag, na balitang makakatapat ng Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Dos.

Nag-taping na ang mga bata na gaganap as the young characters ng Kamandag. Sina Francine at ang mga artistang gaganap sa grupo ng mga hayop ay nag-workshop na, pero hindi pa sila nagte-taping dahil ginagawa pa ang kanilang costumes.

Sobrang excited na si Francine sa bago niyang show na hango sa nobela ni Carlo J. Caparas. Sa Nobyembre ipalalabas ang Kamandag na ididirek nina Mark Reyes at Topel Lee.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...