Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Siyete ang pinili, manager nilaglag na ni Jennylyn!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 15, 2007

Siyete ang pinili, manager nilaglag na ni Jennylyn!

Marami ang nagulat sa mga naging pahayag ni Jennylyn Mercado sa Startalk last Saturday at isa na kami roon.

Ikinagulat at ikinalungkot namin ang mga sinabi niyang hindi maganda sa manager na si Becky Aguila.

Sa tono ng pananalita ni Jen, igini-give-up na niya ang taong malaki rin ang naging hirap sa kanya at naging malaking bahagi sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Tinanong si Jen kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling bitawan siya ng manager at ang sagot niya, “That’s okay.”

Nasundan pa iyon ng tanong na mas tatanggapin niya ba ’yun kesa bitawan siya ng GMA-7 at ang sagot niya, “Siyempre, kahit sino ang tanungin ninyo, oo siguro ang sagot. Ayoko nang pumasok ulit sa problemang hindi ko naman kasalanan.

“So ngayon, sana, huwag na ulit akong madamay. Trabaho na ulit ako sa GMA. Loyal naman ako sa GMA, and thankful ako sa kanila na binigyan nila ako ng opportunity after all.”

Nakaloloka rin ang dialogue niyang siguro ay mag-aartista na ang kanyang manager, obviously dahil lagi itong nakikitang nagpapa-interview sa TV.

Halata rin sa tono ni Jen na may sama siya ng loob, pero kapag tinatanong naman siya ni Tita Becky, lagi niyang sinasabing wala silang problema.

Tinanong siya tungkol sa utang niya sa manager at diretsa niyang sagot, “wala po.”

Inaakusahan din niya ang manager na sinisiraan siya at huwag naman daw sanang ganu’n.

Hindi namin inaasahang marinig mula kay Jen ang lahat ng mga sinabi niya patungkol sa kanyang manager. Maliwanag at walang kaduda-dudang inilaglag na niya ito.

Ang akusasyon niyang sinisiraan siya ay walang basehan. Granting na lumabas ang tungkol sa utang, kasiraan ba ’yon? Makasisira ba sa pagkatao mo kung ikaw ay may utang?

Okay lang kung hindi niya aminin. Pero hindi niya kailangang ilaglag ang sariling manager para lang maisalba ang sarili.

Sa sama ng loob ni Tita Becky, ayaw na muna niyang magbigay ng kahit na anumang komento kay Jennylyn.

Siguro raw, kailangan na nilang pag-usapan ang lahat at pagkatapos ay pareho silang magdesisyon.

Tutal naman, base sa tono ni Jennylyn ay namili na siya between her manager and GMA-7, and obviously, ang network ang pinili niya.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...