Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Tagapunas ng pawis ni Pacquiao

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, October 19, 2007

Tagapunas ng pawis ni Pacquiao

Nabasa namin ang mga madalas na pagpapa-interview ni Ara Mina tungkol sa intriga sa kanila ni Manny Pacquiao. Nagrereklamo si Ara na lagi na lang siya ang nagsasalita tungkol sa isyu, na pinagtatakahan namin.

Hindi mawawala ang isyung ito kung lagi siyang nagsasalita tungkol sa chismis na ito.

Tinawagan namin si Manny para hingan ng pahayag tungkol dito. Ayon kay Manny, wala talagang katotohanan ito.

Nagsalita na raw siya tungkol sa isyung ito at ayaw na niyang pahabain pa ito.

Sa ngayon ay busy ang boksingero sa mga taong bumabati sa kanyang pagkakapanalo.

Hindi pa niya alam kung kailan niya ire-resume ang shooting ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Ara.

Malapit nang simulan ni Manny ang sports-related reality show niya sa GMA 7 kung saan makakasama niya ang star player ng Ateneo na si Chris Tiu.

***

May nag-blind item na kesyo may GMA TV executive na parang alalay ni Manny Pacquiao at kesyo tagapunas pa ng pawis ni Manny.

Ang pananaw ng manunulat ay degrading para sa isang TV executive ang ganoong gawain at pinababa raw nito ang sarili.

Sa tingin namin ay walang masama sa inasal ng TV executive. Mas dapat pa nating hangaan ito dahil kahit mataas ang ranggo niya sa network ay hindi ito mataas at nakatapak pa rin ang mga paa nito sa lupa.

Siguro, hindi lang tayo sanay sa ganito. Nakasanayan natin na ang mga amo ay laging nag-uutos lang at hindi gumagawa ng mga gawain ng karaniwang empleyado.

Naku, kung makarating kayo sa ibang bansa ay mas masahol pa ang makikita ninyo na maski ang presidente ng isang kumpanya ay ginagawa ang mga gawain ng karaniwang empleyado.

Sila pang mga mga may mataas na posisyon sa Amerika ang nakikipagsiksikan sa mga subway (katumbas ng MRT natin).

Mga naka-rubber shoes ‘yan sa biyahe ng subway at pagdating sa mga magagarang opisina nila ay doon lang nagpapalit ng leather shoes na babagay sa suits nila.

Saksi kami sa mga unang meeting ng TV executive at ng pambansang kamao sa Amerika para sa paglipat at pagpirma ng kontrata ng huli sa nilipatang network. Dumating sa point na kailangan naming mag-extend nang ilang araw sa California para sa series of meeting pa para pagdating sa Pilipinas ay plantsado na ang lahat at pormal na ang pagpirma sa kontrata.

Ang TV executive na ito ang naging close among the executives of the TV network sa pambansang kamao at madalas siya ang hinahanap ni Pacquiao para sa mga ikokonsulta sa bagay-bagay.

Trabaho lang ang ginagawa ng TV executive na hindi pa man nakakapagpahinga mula nang dumating mula sa Amerika ay kailangan na niyang dumiretso sa appointments ng boxing champion.

Sa Amerika nga, sila rin ang alalay ni Kyla. Gusto nilang masiguro na maayos ang lahat ng gagamitin ni Kyla mula sa damit, make-up, reahearsals at sound-check nito sa boxing arena.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...