Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Sheree palaban na rin sa hubaran

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 18, 2007

Sheree palaban na rin sa hubaran

NAGSILBING official photographer ni Sheree ang boyfriend na si Gian Magdangal nang magkaroon ng VIP screening ang RoXXXanne sa UP Film Institute kamakailan lang.

“He’s my official photographer,” birong sabi ng dating Viva Hot Babes. “He wants to take pictures for this event. Nakatutuwa si-yang tingnan. Hindi siya celebrity this time kungdi isang photographer.”

Sa kuwento ni Sheree, bago raw niya tinanggap ang role sa indie film ng Octobertrain Films, ipinagpaalam daw muna niya sa boyfriend ang klase ng papel na gagampanan niya.

At dahil very understanding naman daw ang boyfriend niya sa anumang bagay na pasukin niya, agad naman daw itong umoo sa kanya.

“Actually, hindi ko naman dapat ipagpaalam sa kanya pero out of respect sa relesyon namin, I did. Alam kong maiintindihan niya ako. At nu’ng mag-usap kami, he’s confident naman na maganda ang kalalabasan ng movie.

“He’s very supportive, very understanding. Ang sarap magkaroon ng boyfriend na katulad niya. He knows na bahagi lang ito ng trabaho ko bilang isang artista.

“And I’m so happy na tanggap niya ‘yung pagpapa-sexy ko sa movie. Wala siyang sinasabi tungkol sa aking sexy image,” dagdag pa ni Sheree.

Lumalabas na launching movie ni Sheree ang RoXXXanne. Naibalita na dati na ibibigay sa kanya ng Viva Films ang Scorpio Nights 3 for a launching vehicle but for some reasons, hindi na-push through ang proyekto.

Laking pasasalamat na lang daw ni Sheree dahil dumating itong RoXXXanne, written and directed by Jun Lana, isang prolific screenplay writer at Palanca Hall of Famer, kaya nang mabasa raw niya ang script at nagandahan siya ay hindi na raw siya nagkaroon pa ng second thought.

Gaa no nga ba ka-sexy at ka-daring ang role niya sa pelikula?

“As far as the eye can see,” lahad ni Sheree.

“Actually, the story of RoXXXanne is about sex videos. Kung paano siya nakakasira ng buhay ng tao. Akala lang kasi natin nagtatago lang tayo ng mga video sa cellphone natin pero what about kapag nawala ang cellphone?

“Di ba, isang malaking problema ito? The movie tackles the consequences of keeping a sex video on the phone. Maganda ‘yung premise ng movie and I’m proud na tinanggap ko ito.”

At bilang boyfriend, hindi ba nagselos si Gian sa mga sexy scene niya sa pelikula?

“Not naman. Minsan, dumalaw pa siya sa shooting at nasaksihan pa niya ‘yung ibang scenes ko. Gian naman assures me na minahal niya ‘yung totoong Sheree at hindi ‘yung nagpapa-sexy.

Sabi pa niya, it’s not the image but the person. So ‘yun, kumbaga, it’s enough for me. Na in the long run, hindi magkakaproblema ang relasyon namin,” pagtatapat pa ni Sheree.

* * *

IN a separate interview, aminado si Gian na ipinagmamalaki niya ang kanyang girlfriend. Ni katiting ay hindi raw siya nakakaramdam ng selos. Katunayan, all-out daw ang suporta niya rito kahit nagpa-sexy si Sheree sa movie.

Documented nga ni Gian ang kaganapan sa VIP screening ng RoXXXanne sa UP Film Institute. Nagsilbi siyang photographer ni Sheree. May nagbiro tuloy kay Gian kung tanggap niyang maging “alalay” lang ng kanyang girlfriend.

“Bakit hindi? I’m doing this for her. I am giving my full support to her,” tahasang banggit niya.

Tanggap ba niyang nagpapa-sexy sa pelikula ang kanyang syota?

“Hindi ko iniisip na negative ang image ng girlfriend ko. Bahagi lang ito ng pagi-ging aktres niya. I’m so proud of her. Hindi naman kababu-yan ang ginagawa niya so, kumbaga, no cause for alarm,” pagmamalaki ng SOP mainstay at Philippine Idol grand finalist.

Very unlikely nga raw to a gentleman na kahit alam ni Gian na nagpapa-sexy ang kanyang girlfriend, willing pa rin si-yang panoorin ang movie?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot. “This is her first movie. Kailangan ni-yan ng suporta. Kahit kaibigan, puwede mong suportahan. “What more na kami talaga? She’s really a special someone tapos nagkaroon ng first movie, hindi ko pa ba susuportahan at papanoo-rin? Kahit sinasabi nilang, you know, sexy ang pelikula.”

Idinagdag pa ni Gian na ma-nonood siya ng pelikula dahil bilib siya sa ipinamalas na acting ng girlfriend, bilib din daw siya sa direktor at sa mga taong involved sa production.

“Siyempre, Jun Lana ‘yan at siya ang nagsulat nito, so considering all those factors, oo na, manonood ako nu’ng movie. Hindi ko na iniisip na sexy ‘yung movie. At gusto kong ipagmalaki ‘yung ginawa ng girlfriend ko,” lahad ni Gian.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...