Gian Carlos suffers from internal bleeding
Sumusumpong na naman ang sakit ng young actor na si Gian Carlos.
Gian suffers the rare and incurable blood disease called hemophilia. Right now, may kidney problem siya sanhi ng kaniyang karamdaman.
Part ang StarStruck III First Prince sa labinlimang kabataang artista ng GMA Artist Center na nag-perform for a select audience ng isang collection of excerpts of stage plays. Ginanap sa GMA Studio A room last Monday, February 26, this is the culminating activity of the acting workshop na ibinigay ng Cultural Center of the Philippines (CCP) for the Artist Center stars.
Gian performed with StarStruck I Avenger Dion Ignacio sa excerpt of the stage play Gamo Gamo Sa East Avenue about the plight of street children. Isang bulag si Gian at isang lumpo naman si Dion na nagna-nais tumakas sa buhay nila bilang mga nanlilimos na bata na under ng isang sindikato.
Dahil sa matagalang ensayo at acting workshop na rin, ipinagpaliban ni Gian ang kaniyang pagbalik sa home province niya sa Iloilo. Nag-i-internal bleeding na pala siya at wala siyang pinagsasabihan kahit sino. Ang text na lang niya sa kaniyang tiyahin na nasa Iloilo, tatapusin niya lang daw ang mga commitments niya sa Manila bago siya umuwi.
Hindi naman siya masundo ng kaniyang tiyahin dahil as it is, she is also suffering from cancer and must continue her chemotherapy in Iloilo.
Gian was confined at St. Luke's Hospital last Sunday, Feberuary 25, but was released the following day.
Nang nagsisimula pa lang ang StarStruck III, wala ring pinagsabihan si Gian ng kaniyang sakit para hindi siya kaawaan, except once in a while kapag sumusumpong ito. This is also the reason kung bakit siya nakakapag-absent noon.