Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Round 2 ng showdown, hiniling ng Sex Bomb at EB Babes

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, February 07, 2007

Round 2 ng showdown, hiniling ng Sex Bomb at EB Babes

Ang taas-taas ng rating ng Eat Bulaga nu’ng Sabadong ’yon at ayon kay Shiela Ilacad ng TAPE, Inc., inilampaso ng EB (na naka-31.2 percent), ang Wowowee (21.2), sa particular day na ’yon. Sabi nga, tumigil sa pag-ikot ang mundo ng maraming televiewers nu’ng Sabado ng tanghali at tinutukan nila ang taktakan ng Sex Bomb at EB Babes sa No. 1 noontime variety ng bansa. Para doon sa mga nagtatanong kung sino ang wagi sa dalawang grupo, kayo na mismo ang makapagsasabi kung hindi ninyo palalagpasin ang nakatakdang Round 2, na hinihiling diumano ng magkabilang kampo. Baka nga sa Sabado uli maganap ang ikalawang showdown ng SB at EB Babes, kaya tutukan lagi ang EB para sa announcement.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...