Yasmien Kurdi lukaret pero hindi lasengga
MISUNDERSTOOD ang pagsisigaw ni Yasmien Kurdi sa isang bar last week.Naisulat na diumano, nagwala raw si Yasmien sa Jordan Grill two Saturdays ago. Balitang nakainom daw ang dalaga at sigaw nang sigaw ayon sa isang witness. We forwarded the news to Yasmien at react agad si Charming of Bakekang na na-misunderstood lang daw ang pagsigaw niya that time. Sabi ni Yasmien, she was with her childhood friends from Kuwait that time kaya naging very excited siya.Tapos, pinapakanta raw siya. So, dahil rock ang pinapakanta sa kanya, isinisigaw daw niya ang kanta with matching talon pa. Aminado si Yasmien na maingay talaga siya pero definitely hindi raw siya lasing. Natawa na lang si Yasmien sa kuwento, hindi siya nagalit and in-explain niya lang ang situation. Isa pa, sa pagkaalaam namin, bawal uminom sa religion nila. Si Charming pa ba ang maglalasing? Lukaret lang yan pero hindi lasengga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home