Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Polo Ravales to star in his first sexy movie

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, February 08, 2007

Polo Ravales to star in his first sexy movie

Mukhang lilikha ng ingay ngayong 2007 ang sexy actor na si Polo Ravales pagdating sa pelikula dahil kumpirmado na ang first sexy movie niya as a leading man ng hindi lang sa isa, kundi dalawang sexy actresses—sina Diana Zubiri at Francine Prieto.
Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na confirmed na nga ang gagawing sexy-drama movie ni Polo under Seiko Films of Boss Robbie Tan. First time na gagawa ng pelikula si Polo sa Seiko Films.
Suwerte ang sexy actor dahil ang dalawang pinapagpantasyahang sexy actresses na sina Diana at Francine ang makakatambal ni Polo. At huwag isnabin dahil hindi rin basta-basta ang direktor ng Polo-Diana-Francine Seiko movie: si Direk Joel Lamangan lang naman.
Wala pang final title ang said Seiko dahil nasa pre-production stage pa lang ito.
Hindi lang ang said Joel Lamangan movie ang gagawin ni Polo this year. Makakasama naman niya si Victor Neri sa indie film na Lihis.
Still directed by Joel Lamangan and mula sa script ni Ricky Lee, ang Lihis, ayon sa source ng PEP, ay may pagkakahawig sa kontrobersiyal na Kapit Sa Patalim ni Lino Brocka noong 1985, na nagbigay ng ilang acting awards kay Phillip Salvador.
Socio-political drama ang Lihis, na mapangahas na tatalakay sa mga buhay ng New People's Army (NPA) na may "lihis" na mga pagkatao kaya asahang may ilang adult undertone din ang movie. Pero nilinaw ng source na hinding-hindi ito patterned sa anumang Hollywood movie.
"Lihis lang sa normal ang characters dito nina Polo and Victor. Tututukan mo dahil may social and political concerns nga ang movie na very Joel Lamangan ang dating," sabi ng aming source.
Ngayong wala na sa poder ni Direk Manny Valera si Jay Manalo na hinawakan din niya ng limang taon, hopefully, it's Polo's turn to shine under DMV's management as an actor.
Let's see kung mapapansin na ang acting ni Polo sa said Seiko film at sa Lihis. Nakatrabaho na rin ni Polo si Direk Joel in the past like sa Regal Entertainment movies na Blue Moon at Manay Po, at sa stage play na Penis Talks 2.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...