Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: SOP's Sugar Pop Are the Real Pop Superstars!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, February 11, 2007

SOP's Sugar Pop Are the Real Pop Superstars!


Malakas palang talaga ang hatak sa viewers ng Sugarpop dahil may mga kilala kaming nanonood lang ng S.O.P. dahil sa grupo nina Rita Iringan, Julie Ann San Jose, Renzo Almario, Vanessa Rangadhol at Pocholo Montes. Produkto sila ng Popstar Kids ng QTV 11 at ipinagmamalaki ni Danny Tan.

Magagaling kumanta ang mga bagets at pinakanta namin ng a capella sina Renzo at Pocholo na kahit naka-upo ay performance level. Ang una nga’y sinisipon at inuubo pa at muntik tumulo ang sipon nang bumirit ng I Believe (I Can Fly).

Kasama ring pinapanood si Victor Guison, ang youngest professional drummer na napagkakamalang babae dahil mahaba ang buhok. Si Ynez Veneracion ang nagdala sa kanya sa manager niya ngayong si Geleen Eugenio.

* * *
Valentine concert sa S.O.P. today at first TV appearance ni Ely Buendia after his heart operation. Guests din ang Freestyle, Pupil, Rivermaya, True Faith, Up Dharma Down, Bloomsfield, Join D Club at DRT.

Launching ng bagong album ni Janno Gibbs at grand debut ni Lovi Poe. Present din ang mga taga-Bahay Mo Ba ‘To sa birthday celebration ni Sherilyn Reyes. Hindi rin mawawala ang B2B2B, World Stars at Sugarpop segment na hinihintay ng lahat at kasama pa sa show si Regine Velasquez at pagkatapos ng S.O.P. na yata papasok sa hospital.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...