Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Cesar Montano joins the Kapuso Network

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, February 10, 2007

Cesar Montano joins the Kapuso Network


After Robin Padilla ay si Cesar Montano ang pinakabagong certified Kapuso star.

Pumayag na si Cesar na magkaroon ng regular show sa GMA-7. Siya ang gaganap sa papel ng "maestro" na si Miguel Apacer na magsisilbing tagapagturo o mentor ni Andrei Lupin, ang karakter ng bidang si Richard Gutierrez, sa bagong primetime series ng Siete na Lupin.

Pumirma si Cesar sa GMA-7 para sa isang season ng nasabing serye at gaya ni Robin—na nanggaling din sa bakuran ng ABS-CBN—ay per project basis din ang kontrata niya sa Kapuso Network.

Bago niya tinanggap ang Lupin ay nag-cameo appearance muna si Cesar sa pilot episode ng Asian Treasures nina Robin at Angel Locsin. Akala ng iba ay kasama si Cesar sa cast ng Asian Treasures, pero guest role lang siya roon. Sa Lupin, na hango sa Japanese anime na Lupin III, kasali si Cesar.

Taong 2003 pa ang huling regular show ni Buboy (tawag sa premyadong actor-director) sa ABS-CBN, ang sitcom nila ni Maricel Soriano na Bida Si Mister, Bida Si Misis kaya matagal na siyang walang kontrata sa Dos.

Dahil tinanggap ni Cesar ang nasabing TV project, ang ibig sabihin nito ay hindi na niya itutuloy ang binabalak niyang pagpasok sa mundo ng pulitika. Nung huli siyang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay hindi pa sigurado si Buboy kung tatakbo siyang senador, governor ng Bohol, o vice mayor ng Manila.

Ayon sa isang staff ng programa, hindi maipalalabas ang mga eksena ni Cesar sa Lupin kung kakandidato siya sa darating na eleksyon. Malamang nagbago umano ang isip ng aktor at napagpasyahan nitong magbalik-telebisyon na lang.

Bukod kay Cesar at sa tatlong "heist girls" ni Richard na sina Katrina Halili, Rhian Ramos, at Ehra Madrigal, kasama rin sa cast ng Lupin sina Janno Gibbs (bilang police inspector na naatasang tumugis sa "world's most wanted thief" na si Lupin), Lani Mercado (ina ni Lupin), Ara Mina (sa papel na madre), Polo Ravales, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Ramon Christopher, Boy 2 Quizon, at ang nagbabalik-showbiz na si Almira Muhlach.

Sa Pebrero 13 ang first taping day ng Lupin na ididirek ni Mike Tuviera. Last week of March ang airing nito sa GMA Telebabad kapalit ng Bakekang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...