Career ni Ian de Leon muling binuhay ng GMA-7
HALOS dalawang taon ding nawala sa eksena si Ian de Leon, pero ngayon ay muling nagbabalik-showbiz ang binata nina Nora Aunor at Christopher de Leon via the GMA TV series Super Twins kung saan ginagampanan ni Ian ang ama ng kambal na sina Sha-Sha (Nicole Dulalia) at Tin-Tin (Ella Cruz).
“There’s no turning back,” wika ni Ian nang ma-kausap namin. Payat siya ngayon unlike before na he was on the heavy side. Talaga raw nagpapayat siya in preparation for his showbiz comeback.
Nilinaw ni Ian na hindi naman daw siya nawalan ng gana sa showbiz kaya pansamantala siyang na-wala sa eksena. While out of circulation, nagkaroon si Ian ng time na mag-isip at i-as-sess ang naging takbo ng kanyang career.
”May certain chapter ng buhay ko na hindi masyadong maganda ang nangyari pero I learned from those experiences. I learned so much from them at sigu-ro kaya ‘yun ang pagsubok na ibinigay sa akin ni Lord, para ma-realize ko na in case bigyan ako ng work ulit sa showbiz ay para pagbu-tihan ko na ang trabaho ko sa aking pagbabalik,” ser-yosong pahayag ng maga-ling na aktor.
Nawala man siya sa showbiz for quite sometime, nag-try naman si Ian ng ibang bagay. Nakapag-business siya. Nakapunta rin siya ng Japan bilang mi-yembro ng isang banda. Pumasok din siya sa buy-and-sell business at nang sila’y mapunta ng Tokyo, du’n naman niya sinubukang kumanta.
Inamin ni Ian na na-miss niya ang showbiz- the glitter and glamour, ang press, ang mga showbiz events kaya naman excited siya sa kanyang pagbabalik sa bakuran ng GMA-7. Bago na rin ang kanyang manager in the person of Malou Choa- Fagar na nagtanong daw sa kanya kung seryoso na ba siyang talaga sa kanyang pagbabalik-showbiz.
“Yes, I am serious. ‘Yan ang sagot k o kay Tita Ma-lou. Professional na ako this time unlike before na kapag may taping ako, pa-rang hindi ako seryoso. Pero, now that I am making a career out of this, na muli akong nabigyan ng chance -- se-cond chance ko na ito, pa-ngangalagaan ko na ito. It’s about time to love my craft,” pahayag pa ni Ian.
Marami ang nagtaka kung bakit tinanggap ni Ian na lumabas na father role sa dalawang batang babaing bida sa Super Twins.
“It’s a challenge for me na gawin ang role na ito. Halos buong show kasama ako. Ang sarap din ng feeling na nabigyan ako ng ma-gandang break and I am happy na sa tuwing gumigi-sing ako kahit sobrang pu-yat ako kasi I look forward reporting for work,“ wika pa ng mahusay na aktor.
“Wala nang atrasan ito,” pagdidiin ni Ian sa kanyang pagbabalik-showbiz.
“Gagalingan ko pa lalo because I want to make my parents proud. Gusto ko ring makatulong sa mga kapatid ko kahit papaano. I want to make good this time,” lahad pa niya.
Wala raw siyang lovelife ngayon, at ang career muna raw niya ang kanyang aa-sikasuhin. He wants to make up daw for the lost time kaya very thankful si-ya sa break na dumating sa kanya to be a part of Super Twins.
Siyempre, hindi maiwa-sang itanong at kumusta-hin sa kanya ang inang Superstar na si Nora Aunor.
“She’s doing well. Nag-kakausap naman kami pa-lagi. Minsan siya ang tumatawag o nagpapadala ng text messages. Baka magkaroon kami ng show sa US this April at baka makasama namin siya,” aniya.
Inaayos na nga niya ang kanyang schedule in advance para makasama siya sa pinaplanong concert na ito with his Superstar mom.
Three years na si Mama Guy sa States at ayon kay Ian, constant naman ang kanilang communication. Lagi silang , nagsasabihan ng good night bago matulog through text. Hanga kay Nora si Ian with the way his mother handles her problem.
“Bilib nga ako sa kanya kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob.
“Parang unbelievable. Kung sa ibang tao nangyari ang nararanasan ng Mama ko, baka depressed na sila o baka nag-break-down na. Pero, si Mama, she remained strong,” sabi pa ni Ian.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home