Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Alok ng Dos, inisnab ni Alex

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, February 17, 2007

Alok ng Dos, inisnab ni Alex

Matutuwa ang GMA-7 kay Alessandra de Rossi dahil kahit walang regular show ngayon sa istasyon, nagpaka-loyal pa rin. Hindi niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN na isama sa cast ng Hiram na Mukha, ang TV remake ng movie ni Nanette Medved sa Viva Films, kung saan bida si Heart Evangelista. Hindi namin alam kung anong role ang ibibigay sana kay Alex, pero tiyak na walang kinalaman kung bida man siya o hindi sa pagtanggi. ’Di rin naman puro bida roles ang labas niya sa Channel 7, eh. Wala rin itong exclusive contract sa Siyete na pipigil sa kanyang magtrabaho sa Dos. Basta, feel lang ni Alex na magpaka-loyal. Samantala, si Geoff Eigenmann daw ang makaka-pareha ni Heart sa TV version ng movie tungkol sa pangit na babaing pinaganda ng may topak na plastic surgeon. Kung ganu’n, balik-tambalan pala ang dalawa, na minsan nang nagpareha sa TV at pelikula ng Star Cinema.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...