Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Edu Manzano to replace Cesar Montano in "Lupin"?

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, February 25, 2007

Edu Manzano to replace Cesar Montano in "Lupin"?

While Cesar tries his luck in the political arena, Edu opts to stick to acting and fighting pirates.

Kung maging maayos ang pag-uusap, malamang na si Edu Manzano ang pumalit sa role na dapat ay para kay Cesar Montano sa bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, kung saan bida si Richard Gutierrez.

Magsisimula na dapat sa kaniyang taping si Cesar para sa naturang programa nang bigla siyang magdesisyon na tumakbo bilang senator sa ilalim ng TEAM Unity ng administrasyon ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nakapag-pictorial na si Cesar para sa Lupin at ia-advance promo na nila sana ang paglabas niya rito, pero dahil sa naging biglaang desisyon ng actor-director na sumabak sa pulitika ay walang nagawa ang GMA-7 kundi ang tanggalin siya sa project.

Nabalita rin noon na isa si Edu sa tatlong artistang napipisil ng administrasyon para tumakbong senador sa darating na halalan, ang dalawa pa ay sina Richard Gomez at si Cesar nga. Habang sina sina Richard at Cesar ay natuloy na tumakbo—si Cesar para sa TEAM Unity ni GMA at si Richard para sa Nationalist People's Coalition (NPC)—mas pinili ni Edu na mag-concentrate na lang sa kanyang posisyon bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) at sa kanyang showbiz career. Bukod pa rito, wala raw sapat na pera si Edu na kakailanganin para sa pangangampanya.

Ang magiging problema lang daw ni Edu kung saka-sakali ngang tanggapin niya ang Lupin ay katatapos lang niyang mag-tape para sa canned drama series ng ABS-CBN na Walang Kapalit, na pinagbibidhan nina Claudine Barretto at Piolo Pascual.

Matagal na raw natapos ni Doods ang mga eksena niya sa Walang Kapalit, pero hindi pa matiyak kung kailan ito ipalalabas sa Dos. Say naman ng management office ni Doods ay walang exclusive contract ang aktor sa Dos kaya maaari siyang tumanggap ng ibang shows sa kabilang network, GMA-7.

Ang Lupin naman ay last week of March pa ang simula ng airing. Pero kung matutuloy si Doods, kukunan na ang mga eksena niya bilang master teacher ni Richard.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...