Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: First day gross of "The Promise" reaches more than P10 million--GMA Films

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, February 15, 2007

First day gross of "The Promise" reaches more than P10 million--GMA Films

This is the biggest Valentine movie yet for Richard and Angel.Nora Calderon Thursday, February 15, 2007 CF

Richard Gutierrez and Angel Locsin topbill The Promise, which reportedly grossed more than P10 million during its opening day. Photo: Noel Orsal
Congratulations kina Richard Gutierrez, Angel Locsin, Rhian Ramos, TJ Trinidad, Ryan Eigenmann, Direk Mike Tuviera at ang kanyang production staff, sa Regal Entertainment, at sa GMA Films dahil big success ang first day showing ng pelikula nilang The Promise.

As early as 3:00 p.m. kahapon, February 14, sa opening day ng The Promise, nakatanggap na kami ng unconfirmed report na na-surpass na nito ang first hour showing ng Till l Met You (last movie ng GMA Films) nina Regine Velasquez at Robin Padilla. Sigurado na rin daw na malalampasan nito ang kinita ng Valentine movie nina Richard at Angel last year na I Will Always Love You, na produced din ng GMA Films at Regal Entertainment.

Base sa first day ng The Promise, tinanggap ng mga tao ang unang mature roles na ginampanan nina Richard at Angel dahil sa dami ng taong pumila sa mga sinehan. Dahil dito, nag-time out muna sa taping ng Lupin sina Richard at Rhian at ng Asian Treasures si Angel upang mag-theater tour sila at personal na magpasalamat sa lahat ng mga taong nanood ng The Promise.

Nagpunta sila ng SM City North Edsa, SM Megamall, at Glorietta Activity Center. Nag-show sila sa mga naturang lugar kasama sina Brenan Espartinez at Aryana na may version ng theme song ng The Promise, at si Marc Tupaz kasama ang banda niyang Shamrock.

Ipinahayag din nina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment at Anette Gozon-Abrogar na malamang umabot sa more than P10 million ang kikitain ng The Promise during its opening day. The Promise was also Rated B by the Cinema Evaluation Board (CEB).

Sina Richard at Angel ang magka-Valentine's date dahil magkasama sila hanggang gabi na. May nagbalita rin sa amin na last night, may maliit na victory dinner sa Regal Entertainment dahil sinabi na ng bookers na maaring more than P10 million nga ang kikitain ng movie.

Just this morning ay nakatanggap ng text message ang (PEP) Philippine Entertainment Portal mula kay Jayce Perlas, publicist ng GMA-7. Ayon sa kanya, ang first day gross ng The Promise ay umabot ng P10,646,821. Ang The Promise din daw ang "GMA Films' highest grossing Valentine movie. Higher than Let the Love Begin or I Will Always Love You." Ang Let the Love Begin (2005) at I Will Always Love You (2006) ang first two Valentine movies nina Richard at Angel.

Kaya si Richard, masayang aalis sa Sunday afternoon, February 18, papuntang New York para sa 15-day vacation na hiningi niya sa GMA-7. Magpapasalamat muna sila ni Angel sa SOP sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang pelikula. Hindi pa sure kung magkakaroon ng victory party bago siya umalis dahil very busy nga si Richard sa pagte-taping ng pilot week ng Lupin na magsisimula nang mapanood sa April 2007, kapalit ng Bakekang.

Regine Velasquez -...