Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Jolina, Stage GF?

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, February 12, 2007

Jolina, Stage GF?

MAY cameo role sa Ouija Board ang boyfriend ni Jolina Magdangal na si Bebong Muñoz. Nag-shooting na ito last Thursday at hindi ang girlfriend ang ka-eksena kundi si Judy Ann Santos na nagbigay ng matinding nerbiyos sa kanya. Before the takes, memoryado niya ang kanyang lines, pero nang kaharap na niya ang actress, nakalimutan ang lines.

Hindi si Jolina kundi si Annette Gozon-Abrogar ang kumumbinse kay Bebong na mag-cameo role dahil professor niya ito sa Law school dati. Kasama rin niya sa eksena ang kanyang lawyer friends bilang mga abogado ni Judy Ann.

Sa boardroom ang eksena at na-take three raw siya dahil sa nerbiyos. After the scene, nag-celebrate sila ni Jolina na present sa shooting. Kinunan nito ang kanyang eksena (Through a still camera or video, I guess?—Ed), kaya ang biro ni Judy Ann kay Jolina ay stage GF.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...