Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Lani Misalucha "Hindi naman talaga ako lumipat sa ASAP '07"

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, February 20, 2007

Lani Misalucha "Hindi naman talaga ako lumipat sa ASAP '07"

THE 'TRANSFER'
Lani clarifies her "transfer" from SOP to ASAP.
Samantala, nilinaw ni Lani ang paglabas niya sa ASAP '07 ng ABS-CBN imbes na sa SOP ng GMA-7, kung saan naging co-host siya bago siya pumunta ng Amerika.

Sinabi ni Lani na hindi naman daw talaga siya lumipat sa ASAP '07 o sa ABS-CBN. Isang buwan lang daw siyang mapapanood sa nasabing musical variety show at sa iba pang programa ng Dos dahil kailangan niyang i-promote ang kanyang album at ang kanyang concert. Nagkataon daw kasi na ang ABS-CBN ang isa sa major sponsors ng kanyang concert sa Araneta Coliseum.

Sa katunayan nga raw ay nami-miss na niya ang kanyang mga kasamahan sa SOP at gusto na niya ulit silang makatrabaho.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...