Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: GMA7's Sinenovela Vs. ABS-CBN's Sineserye

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, February 19, 2007

GMA7's Sinenovela Vs. ABS-CBN's Sineserye

Kung ang ABS-CBN may sineserye, ang GMA-7 naman ay may sinenovela at ang unang itatampok ng dalawang serye ay mga pelikula ng Viva Films. Sino kaya sa two networks ang unang nakaisip na bigyan ng TV remake ang magagandang drama movies ng film company? Ang maganda nito, hindi raw magkakatapat ang airing ng sineserye at sinenovela, kaya pareho silang mapapanood ng viewers. Pang-primetime raw ang sa Channel 2 at pang-hapon ang sa Channel 7, na ilalagay kundi after Princess Charming ay after Muli. Mauuna ang Dos sa pagpapalabas ng kanilang sineserye sa remake ng Palimos ng Pag-ibig, isu-shoot na ang Hiram na Mukha at nakaplano na ang kasunod na project.Sa side ng Siyete, unang gagawin ang Sinasamba Kita, na ang movie version ay bida sina Vilma Santos, Lorna Tolentino at Christopher de Leon. Sa TV remake, si Sheryl Cruz pa lang ang tiniyak sa amin at gaganap sa role ni Vilma. Wala pang napipiling gaganap sa role ng actor at pinagpipilian daw sina Jackie Rice at Glaiza de Castro sa role ni LT. Si Joel Lamangan ang director ng TV remake ng Sinasamba Kita at ito ang comeback project niya sa Channel 7.

Hmm.. Here's another old clip of Regine Velasquez singing the classic themesongs of GMA Telebabad's Teledrama... Nakakamiss rin manood ng simple dramatic soaps sa GMA... I was hoping na GMA's "Sinenovela" would be on primetime GMA... Pero oh well.. Hopefully they will show this on GMA Pinoy TV!
I'm really hoping they would show "Muli" with Alfred Vargas and Carrie Lee also on GMA Pinoy TV!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...