Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: January 2007

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, January 31, 2007

Jolina Magdangal, boses ng Super Twins theme song!

Si Jolina Magdangal ang napiling kumanta ng bagong theme song ng bagong telefantasya na aabangan sa GMA, ang Super Twins na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.

“Kahit sino (ang) piliin para kumanta ng theme song ng isang teleserye na pang primetime, pang-masa, maganda ang istorya--siyempre sobrang proud ang feeling ‘nun.” At kita naman sa kaniyang expression at pananalita na proud at happy si Jolina sa project na ito.

Pero tiyak na ikagugulat ng lahat kung sino ang sumulat ng awitin! Ito’y walang iba kundi si Michael V. na mas kilala sa pagsulat ng mga kantang puro katatawanan.

“Iniisip ko, itong kantang ito ay babagay dahil at the end of the day, palaging maaayos yan ng hero,” paliwanag ni Bitoy. Dagdag pa niya, “Marami akong ginagawa na mga seryosong kanta talaga. Other side nga talaga.”

“Ang binigay sa aking study tape, yung boses ni Kuya Bitoy,” kwento ni Jolina. “Nagulat ako! Kasi lagi ko siyang naririnig na kumakanta ng mga parang kalokohan. (Tapos) parang Josh Groban ang dinig ko sa kanya!”

Kaya naman si Michael V. na rin mismo ang nagsilbing voice coach ni Jolina.

“After nung initial na take namin, sabi ko gawa tayo ng Jolina version,” pasimula ni Bitoy. “Hopefully, itong magiging resulta is a mix nung dalawang versions na pinagtrabahuhan namin.”

Pihadong kagigiliwan ang theme song ng Super Twins pag nagsimula na itong umere sa GMA Telebabad simula sa February 12.

Tuesday, January 30, 2007

Gladys Guevarra as Chuchay in "Magic Kamison"

GLADYS Guevarra is certainly on the roll. When some people thought she’s a goner after she resigned from Eat Bulaga, now here she is, topbilling a new TV series that will amaze and make you laugh, “Magic Kamison.”Inspired by Mother Lily Monteverde’s personal lucky charm, a kamison, which she thinks had catapulted some of Regal Films’ brightest stars like Cherrie Gil, Lorna Tolentino, Alma Moreno, Gina Alajar, Rio Locsin, to name just a few, to fame, “Magic Kamison” is a combination of magic and comedy.Set for Febuary 4 airing, right after ‘SOP’ every Sunday, the new entertainment package will run for one season. “Magic Kamison” is about Chuchay (Gladys) who has a pure and kind heart. An old woman whom Chuchay saved from a road accident gave her the magical chemise which, once worn can make a person realize a dream. Chuchay, according to Gladys, is actually the name of her four-year old niece whom she is fond of. She used the moniker as her character in ‘Eat Bulaga’ and clicked with the audience. Playing the male lead is Alfred Vargas while Nadine Samonte and Iwa Moto play best friends. Even while Iwa is ugly and Nadine is a beauty, they stick together proving that friendship is the most important thing on earth. A man (played by Alfred) comes between them and that’s when the problem starts. So, what will be the magic kamison play in the story? Don’t fail to watch it. Pilita Corrales provides the voice for the magic kamison, while Tia Pusit and Joy Viado give the much-needed comic support. Khryss Adalia directs.

Gladys umiyak sa presscon ng 'Kamison'

Naiyak si Gladys Guevarra sa presscon ng Magic Kamison nang usisain sa real reason ng pagri-resign sa Eat Bulaga. May ilang miyembro ng press na ayaw maniwalang ang scoliosis niya ang dahilan, pero ’di nito binago ang statement.

(Ang karugtong na kuwento nito, Nitz M., ayon sa isang source, ay biglang tinapos ang presscon matapos magtanong ang isang broadsheet editor at hindi na rin daw binigyan ng pagkakataong magtanong ang isa pang broadsheet writer dahil nga umiyak na si Gladys.

Nagkaroon pa raw ng “moment” ang ilang entertainment editors na mas piniling umalis na sa presscon kesa uriratin pa si Gladys sa one-on-one interview.

Nagkasagutan din ang nagtanong na broadsheet editor at ang GMA-7 executive na si Wilma Galvante dahil sa naganap na “crying session.”

Nag-sorry ito sa pagiging emotional at sa pag-iyak. Natakot daw siya sa press, pero ’di maintindihan kung bakit ’di niya puwedeng idahilan ang kalusugan na maaaring ikamatay kundi maaagapan dahil tumitindi na ang pananakit.


Hindi nasagot ni Gladys ang tanong kung magpu-promote siya sa EB at wala pang nagsasabi sa kanya. Tiniyak na wala siyang galit sa mga dating kasama na six years niyang nakatrabaho.

Sunshine Dizon, nabastos sa Dinagyang Festival?

SA closing ceremonies ng Dinagyang Festival sa Iloilo, hindi magkamayaw ang mga fans nang makita nilang bumibirit sa pagkanta ang Bakekang star na si Sunshine Dizon. Pero ang masayang eksenang ito, biglang napalitan ng tension nang biglang pumasok sa stage ang isang talent ng kabilang istasyon habang naghahanda si Sunshine sa next song number niya.

Bagama't hindi kilala ng aktres si Matt Evans, ang talent na sumingit sa kanya, ipinahayag ni Sunshine ang pagkainis dahil sa unethical na ginawa ng binata. Ngayon pa lamang daw niya naranasan ang ganitong treatment.

Napagkasunduang ang mga star muna ng GMA7 ang magpe-perform bago ang mga taga-ABS CBN, ngunit pinagbigyan na rin ng festival foundation na mag-alternate ang performances upang hindi ma-delay ang flight ng kanilang mga artista.

Ayon sa kampo ng ABS-CBN, mayroon na silang go signal na papasukin sa stage si Matt Evan kaya ganoon nga ang ginawa nito.

Inako na ng Dinagyang Festival foundation ang nangyaring pagkakamali sa presentation, at humingi ng public apology ang executive director nitong si Ben Jimena.

Monday, January 29, 2007

SOP: Last week of January!

I really like the SOP's World Stars, Back2Back2Back and SugarPop performing together... Ang galing grabe!!!... SOP's All Stars!


Sana everyweek gawin nila itoh!.... Sama sana nila si Janno and sana nakaformal silang lahat...


As for the latest additions, Gian Magdangal is such a wonderful addition to the SOP family... Ang ganda nyang magperform and a great replacement for Harry Santos and Gabby Eigennman...


Basta his performance of the Asian Treasure theme song was superb!

Suggestion lang sana i-Loveteam nyo sa duet si Aicelle Santos with Gian Magdangal kasi cute sila together... Kahit manlang sa Valentines episode ng SOP duet sila Please~!!!


Bring back April & Aryana!... and also Hansen Nichols of Take 5...


I think the best SOP episode yet was last week when Richard and Raymond had their birthday celebration and the dance number "Rhythm of the NIght" from the Moulin Rouge movie... It's so nice!! and the big screen looks awesome!... Basta ang ganda nung SOP Musical Episode last week... Kasi pinalitan nila yung small screen...


Kaya lang... Bakit nawala nanaman this week?... Ano ba yan SOP sana naman may malaking TV screen na kayo!

Kaya nga sana talaga... REQUEST sa SOP Please a big screen again... Kasi the stage looks so plain without a giant TV screen like in ASAP..... Basta mas maganda at bongga and of course mas lumalaki ang stage pag merong malaking TV screen....


Mount Stefan?!?

Kuwentong wala lang ito na nagpakiliti sa imahinasyon namin. Today in its Sunday episode pagkatapos ng last episode ng Ang Mahiwagang Baul, is the third elimination for Starstruck IV after its dance week under Douglas Nierras.

We don’t know kung dalawa muli ang tatanggalin this week just like the first two elimination week pero puwede namang magsimula today ang isa-isang tanggalan.

Anyways last week, habang nasa GMA kami, nakita naming lumabas ang ilan sa mga StarStruck IV pagkatapos nilang mag- dance rehearsal. Naaliw sina Paulo Avelino, Stef Prescott at Aljur Abrenica sa bastos naming t-shirt na spoof ng Starbucks at may isang malaking bird na naka-drawing.

Tinuro ni Paulo ang bird at tinawag ng Mount Stefan at nag-agree sina Aljur and Stef, so, bigla kaming nagka-interest na hintayin si Prince.

Parang tama yata sila o baka naman masikip lang ang jogging pants ni Prince.

He-he-he!

Sunday, January 28, 2007

Gian Magdangal Vs. Gabby Eigenman?

Two Sundays ago since naipakilala sa GMA-7 Sunday musical variety show na SOP ang latest addition sa kanilang pamilya—si Gian Magdangal, na isa sa top three finalists ng Philippine Idol.

Bilang isa sa pioneers ng SOP since the noontime show started 10 years ago, hiningan namin ng reaksiyon si Gabby Eigenmann sa pagpasok ni Gian sa show nila.

"Well, usually naman, dapat every year ganun e. It's either may madadagdag or mababawasan. The thing is, SOP is a musical variety show, so the more the merrier. Hindi naman siguro dadami na mukhang magulo, but definitely it's a trial and error e," paliwanag ni Gabby sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the taping of Muli last January 8 sa Olivarez General Hospital, Parañaque.

"Kumbaga, since lahat naman gusto na the show to be better every week, so I guess they're trying new talents. Masaya kami ‘coz most of the newcomers, they treat SOP as their parang stepping stone—not just for stardom but to enhance their talent. Happy naman kami sa mga nadadagdag," sabi pa ng binata.

Itinuturing ba niyang threat o competition si Gian—pinsan ni Jolina Magdangal—at ang iba pang young singers sa SOP gaya nina Gerald Santos at Harry Santos?

"No naman. May sarili kasi silang style... And ako din naman, I have my own. I don't think there's a comparison and a threat, kasi we treat each other as family," sagot ni Gabby.

"I've known Gian for eight years, may grupo sila dati [17:28]. They used to guest sa SOP, grupo pa sila nu'n. We see each other sa mga shows, nagkikita din kami. So matagal ko na siyang kakilala kaya natuwa nga ako na kasama na si Gian sa SOP," kuwento pa ng anak ng aktor na si Mark Gil.

Sinabi rin ni Gabby na kahit sampung taon na siya sa SOP ay hindi dumating yung point na parang ayaw na niyang lumabas dito o di kaya ay nagsasawa na siya.

"It's fun! Kasi for me, parang naging every Sunday lifestyle na yun e. Yung looking forward ka every Sunday, so parang naging habit. Kahit nga walang bayad e... Alam mo yun? Ganun na yung feeling ko kasi I've been with the show for the longest time," nakangiti niyang sabi.
"At the same time, for the past 10 years, ang dami kong natutunan. Yung mga natutunan ko kina Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Jaya, and Regine Velasquez, it inspired me with my career sa music," dagdag pa ni Gabby.

Samantala, kinumusta rin namin sa kanya ang kanyang sophomore album under GMA Records na Sa Di Kalayuan.

"So far, okay naman. Sana kung anuman yung maging trend this year, nandun pa rin yung tunog-banda. Kasi my album is halos tunog-banda. Natutuwa nga ako kasi kaninang papunta ako dito sa taping, I tuned in sa isang radio station, eksakto, pinapatugtog yung kanta ko. So, tuwa naman ako!" kuwento ni Gabby.

Speaking of tapings, kasama si Gabby sa sisimulang afternoon drama series ng GMA-7 na Muli, na pagbibidahan ni Alfred Vargas at ng Malaysian actress-beauty queen na si Carrie Lee. Bukod dito ay kasama rin siya sa primetime fantaserye na Super Twins starring Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, and Dennis Trillo.

Saturday, January 27, 2007

Gladys, malabo nang makabalik sa ‘EB’ dahil kay Rufa Mae?

MUKHANG malabo na talagang makabalik si Gladys Guevarra sa Eat Bulaga ngayong balitang si Rufa Mae Quinto na ang papalit sa kanya sa naturang noontime show sa GMA7. Bukas, Sunday, guest si Rufa Mae sa S-Files para sagutin ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isang napakalaking intriga at para patotohanan din kung siya na nga ang ipinalit kay Gladys sa EB. Sa naturang talk show din, magsasalita na si Jay R tungkol sa namamagitan daw sa kanila ngayon ni Alessandra de Rossi. Mabubulgar din sa talk show ang buweltang galit ng young actress/dancer sa young actor boyfriend na tinakbuhan ang responsibilidad sa kanya. Ginamit pa raw ng boyfriend ng actress/dancer ang kotse niya na nabangga pero hindi siya tinulungang magpagawa. Ang iba pang tampok na usapan ay ang wedding preparation nina Danica Sotto at Mark Pingris. Natagpuan narin daw ng dalawa ang foreigner dad ni Mark. May live interview din kina Ely Buendia, Alfred Vargas at LJ Reyes, Ara Mina at Polo Ravales tungkol sa kani-kanilang issues.

Picturesque ratings scenario?

CHECK IT OUTWITH rivals ABS-CBN and GMA networks both claiming ratings leadership, viewers are seemingly being left in the dark as to what the real ratings scenario is.But apparently, based on the official AGB Nielsen ratings data for Mega Manila for the fourth quarter of 2006, GMA Network continues to dominate the numbers game with a 16.7% total day ratings average compared to ABS-CBN’s 14.3%.It is also important to note that the top 4 slots of the overall top 5 programs for the same period are all GMA primetime programs �" Captain Barbell, Bakekang, Atlantika and 24 Oras. Fifth-ranked ABS-CBN’s Kapamilya Deal or No Deal is the only non-GMA show in the Top 5.In the fourth quarter of 2006 alone, GMA got a 19.5% total day ratings average among non-cable homes and only 9.5% among cable households, thus resulting in a highly questionable 10% difference. In contrast, ABS-CBN registered 13.7% among non-cable households and a significantly higher 15.9% among cable subscribers.And given that both Sky and Home Cable are also owned by the Lopezes, are viewers being subjected to a picturesque ratings scenario? Just asking!

Juday-Jolina movie kasado na!

FROM a highly-placed source in GMA-7 namin nalaman na matutuloy na, finally, ang movie project nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.

Yes, after so long nga ay matutupad na ang isa sa mga dream projects ng GMA Films sa pakikipag-tie-up with Viva Films para sa inaabangang Juday-Jolens movie.

Sa aming pagbisita sa bakuran ng GMA network kamakailan ay nasagap na-min na natapos na ang negosasyon ng mga taong concern, and that there is already a working script for the said project.

Legitimate superstar na si Juday ngayon, and from among her peers, siya ang masasabi nating may magandang track record pagdating sa box-office at pagkakaroon ng mga exciting movie projects.

Big star din naman ng GMA si Jolina Magdangal and this project is indeed a big boost to her movie career lalo pa’t dati naman si-lang nagkasama ni Juday sa ABS-CBN.

Just wondering kung ano na ang mangyayari sa matagal na rin naming naririnig na movie project para kina Juday at Claudine Barretto sa Star Cinema?

Masasabi ba nating na-unahan ng mas agresibong kumbinasyon ng Viva at GMA Films ang Star Cinema?

Wednesday, January 24, 2007

GMA TALENTS MAKE IT TO BB. PILIPINAS

SPEAKING of beauty pageants, two of GMA-7’s young talents made it as finalists in the next Bb. Pilipinas competition. These are Margaret Wilson and Ailyn Luna. We wrote about Margaret a few days ago and her 5’9" height is really a great advantage.

She’s a mainstay in the hit action-adventure show, “Asian Treasures,” playing Angel Locsin’s scheming best friend.

Ailyn Luna was discovered when she joined “Starstruck 2.” This tall and willowy girl has great PR and her morena looks is perfect for beauty pageants. We heard she and Margaret got very high ratings in the Bb. Pilipinas screenings. But something bad happened to Ailyn (who’s the girlfriend of comedian Ryan Yllana) after the screening. Her car was stolen with her dad in it. It’s good the carnappers let go of her father
later and didn’t harm him.

Tuesday, January 23, 2007

Richard Gutierrez and Angel Locsin sa The Promise

TWO major love scenes and several ‘minor’ ang ginawa nina Richard Gutierrez and Angel Locsin sa The Promise .

Hindi mabilang ni Direk Mike Tuviera kung ilang beses naghalikan at nag-yakapan sina Richard and Angel sa Valentine movie ng Regal Films and GMA Films outside of the two major love scenes na ginawa nila.

Even he was surprised daw he was trusted so much by the two big stars of GMA para magawa ang mga gusto niyang eksena na sinisi-gurado namang artistically photographed at hindi lalampas sa PG 13 rating.

Sa last shooting day ng The Promise sa Tagaytay, nagpaka-specific kami kay Direk Mike how daring the two got and we were surprised. Makikita ang back side ni Angel in one scene and maybe side kung mai-edit ng tama.

Si Richard naman, tinanong lang namin if we will see his sexy legs, nag- ask back sa amin if kung ang actual na tanong ba talaga namin ay kung makikita namin ang butt niya kaya kami ang biglang nahiya.

Ang sagot, panoorin na lang daw ang movie this February 14.

* * *

MAY new look din si Richard Gutierrez courtesy of Angel Locsin, a pierced ear.

Richard has always been wholesome from manners to appearance. Kaya nagulat kami na nakita namin siyang may hikaw na sa left ear, a diamond stud.

Pinag-usapan pala nila ni Angel how Richard can appear differently sa last part of the movie to show change and age and they decided na dapat mag- hikaw siya.

Eh, walang butas talaga ang tainga ni Richard ever since so sa shooting, nagpabutas si Richard ng tainga gamit ang diamond stud ni Angel.

That was almost a week ago. Suot pa rin ni Richard ang hikaw kahit sa last shooting day kung saan si-norpresa sila ni TJ Trinidad na cast din ng movie ng isang combined birthday party.

Birthday kasi ni Richard last Sunday at birthday naman ni TJ last Monday, the actual last shooting day" dahil hindi pa heal ang butas, so, hindi pa puwedeng alisin ang hikaw.

Ito na ba ang birthday gift ni Angel kay Richard, a real diamond earring?

Basta si Richard, ayaw itong isoli kay Angel. He-he-he!

Jennylyn and Patrick Together in Super Twins

KATRIANGGULO pala talaga nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia si Camille Prats sa bagong soap ng GMA- 7 na Super Twins. Ang naturang programa ay magsisimula nang umere sa middle of February, kapalit ng Atlantika. Ayon sa isang source, hindi masosolo ni Jennylyn si Patrick sa istorya, dahil biglang papasok ang character ni Camille. May importanteng gagampanan ang partnership nina Patrick at Camille sa Super Twins, na pinagbibidahan din nina Nadine Samonte at Dennis Trillo. Si Dominic Zapata ang director nito.

The Promise: Coming Out Valentines Day!

Kahapon ang last shooting day ng The Promise at tinapos ni Direk Mike Tuviera ang pelikula nang walang problema. Kahit mending a broken heart si Angel Locsin at naglalagare sa taping ng Asian Treasures, ’di niya pinabayaan ang trabaho. Pero kahit may three kissing scenes at two passionate love scenes, umaasa pa rin ang Regal at GMA Films na mabibigyan ng PG-13 classification ng MTRCB ang movie. Naaayon sa istorya ang love scenes nina Angel at Richard Gutierrez. Idea ni Annette Gozon-Abrogar na i-remake ang Hihintayin Kita sa Langit. Gusto niyang mapanood ng new generation of moviegoers ang para sa kanya’y one of the best Filipino movies, na three times niyang pinanood nu’ng ipalabas. “We want to re-introduce it to a new audience. Sana maka-level ng HKSL ang The Promise,” wish nito. Malalalaman kung nagtagumpay ang mga producer, director, technical staff at cast sa showing ng movie simula February 14.

Pinipetisyong ‘SOP’ staff, ipinagtanggol ng mainstay

MAY nakausap kaming mainstay ng SOP at nabanggit niyang maraming pagbabagong mangyayari sa programa. Hindi lang ito nag-elaborate at abangan na lang daw, dahil tiyak na mapapanood din namin. Ipinagtanggol din nito ang ilang staff ng show na pini-petition na mapalitan. Sumusunod lang daw ang mga ito sa mga nasa position, na ’di na rin niya binanggit. Kinuha namin ang reaction ng aming kausap sa pagpasok ng Take 5 sa show. Ipinauna nitong ’di siya insecure at lalong ’di naiinggit sa grupo, pero sana raw, kumanta nang live ang mga ito at ’di nagli-lip sync, dahil unfair sa kanilang nagpapakahirap mag-rehearse for a live performance. Ayaw naming magbigay ng clue kung sino ang mainstay na ito, basta

***
Well, As for me, I'm really glad that SOP improving. Not only does the stage look bigger, the TV screen is bigger also. The latest addition of Gian Magdangal is also great because he is a very talented singer...

Sana lang they kept Aryana because I really like her and even April compare to Karylle... I mean of course they can't take out Karylle and Dingdong!... I feel bad for Gabby Eigenman and even KC Montero because even though they were a little annoying sometimes, nakakamiss rin cuz they've been there at SOP for years!

I still can't believe that Lani Misalucha is coming back to the Philippines for ASAP... I mean, can't believe she switched! Well, I guess parang utang na loob na rin nya sa TFC for her U.S. Concerts.. I wonder what her friends at SOP thinks about this... Sayang si Lani, sana si Jaya na lang ang kinuha nila.. I mean like helloo, ASAP is hella full of veteran singers, kailangan pa ba nilang magpirate ng singer sa GMA?

Pero, hopefully GMA will find a way to keep SOP's Back to Back Segment more exciting...

I mean, Ogie, Janno, Jaya and Regine are the best, pero sana isali nila si Ariel Rivera, Vernie Varga or even get back Pops Fernandez to their show or someone new...

As for the new addition: Take 5.. Hmm... The only They're okay, I really enjoyed their musical number last week when they sang "Uptown Girl"... Hansen Nichols is really HOT!!!! sANA nga wag na silang mag lip sinc... and also, sana nilagay na lang sina Tyron Perez, Arthur Solinap and Polo Rovales -- formally STAG -- rather than getting new men.

well, sa lahat ng changes... SANA bawas bawasan naman ni Direk Louie yung pagkataray nya... I mean, sana ibalance nila yung exposure ng mga host... Yung parang sa ASAP na iba iba at bigyan nila mag host yung mga Starstruck Talents... Hindi yung puro si Regine lang or sometimes even Raymond Gutierrez... But oh well, sana nga matuloy yung THAT's Entertainment!!!!

SOP World Stars is doing good... Sana sinama nila si Jeremie Antiporda... The new PPS finalist are all great... The best batch yet... My fave is Joyce Tanana and the other girl...

Sugar Pop is great.... Parang corny lang yung title ng mga segments... and the freaking lady announcer with the high voice is getting annoying... Sana lang ung male announcer ang nagsasalita sa SOP :)

Monday, January 22, 2007

ALL ABOUT DENNIS TRILLO!

Mukhang hindi magtatagal ay magkakaayos na ang kampo ni Dennis Trillo at ng Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde.
Matatandaan na sumama ang loob ni Dennis at ng manager nitong si Popoy Caritativo nang mapunta kay Richard Gutierrez ang lead role sa filmfest entry na Mano Po Po 5: Gua Ai Di na originally ay para kay Dennis.
Tsika sa amin ng manager ni Dennis nang makausap namin siya sa intimate birthday dinner ng kaibigang Joe Barrameda nu’ng Biyernes sa VIP room ng MDC bar sa Greenhills, nag-meeting na sila kamakailan ng producer daughter ni Mother Lily na si Ms. Roselle Monteverde-Teo at naghahanap na sila ng next movie project para kay Dennis.
Nakangiting sey ni Popoy, dahil nakipagkita na siya kay Roselle ay hindi malayong magkausap at magkaharap na rin sila one of this days ni Mother Lily.
Sa tono ng pananalita ng manager ni Dennis ay tila humupa na ang ‘galit’ nito kay Mother at nawala na ang kanyang sama ng loob.
Masayang ibinalita ni Popoy na ngayong araw na ito (Lunes) ang last recording day ni Dennis para sa self-titled debut album nito under IndiMusic.
Ani Popoy, Nobyembre 2006 pa nagsimulang mag-recording si Dennis para rito pero natagalang matapos dahil hindi magtagpo ang schedule ni Dennis at ni Ms. Regine Velasquez.
Bukod kasi sa isa si Regine sa may-ari ng IndiMusic, siya rin ang tumayong voice coach at back-up vocalist ni Dennis.
Hands on ang Songbird bilang isang record producer at gusto nito ay present lagi sa recording studio sa tuwing magre-record ng kanta si Dennis.
2 songs ang laman ng debut CD ni Dennis, sampung originals at dalawang revivals (ang carrier single na All Out of Love at Love is All That Matters).
Sina Ogie Alcasid (na presidente ng IndiMusic), Viktoria at Trina Belamide ang ilan sa nag-compose ng awitin sa naturang album.
This week ang radio launch ng carrier single ni Dennis pero ang press launch nito ay pagkatapos pa ng launching ng bago niyang GMA telefantasya na Super Twins (na sa Pebrero 12 ang premiere telecast).
***
Sa Zirkoh-Greenhills na katabing bar ng MDC (Manila DJ Club) ang pa-show ng birthday celebrator na si Joebarr nu’ng Friday night.
Guests ni Gladys Guevarra sa show nitong Tipo Kong Lalake sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Teri Onor at Lovi Poe.
Puno ang Zirkoh at grabe ang tilian ng audience kay Dennis na bumanat ng Kiss (ni Tom Jones) sa kanyang opening number. Inawit din niya at pinromowt ang first single niyang All Out of Love (ng Air Supply).
OA ang hiyawan ng mga girls at parang gigil na gigil silang lahat kay Dennis. Saglit lang sa show si Dennis na panay ang yakap at pa-kiss ni Gladys.
Bago ito umalis ay hiniritan ni Gladys ang binata ng, "Halimbawang magkakaroon ng digmaang-nukleyar at tayo lang ang matitira sa isang island at saka isang camel. Sinong titirahin mo sa amin?"
Sagot ni Dennis, "Siyempre, ikaw!" na ikinakilig ni Gladys at ikinahalakhak ng crowd.
Natsika namin si Dennis nang dumaan siya sa MDC at nabanggit niyang hindi lang niya mahindian si Joebarr kaya kahit binawasan na niya ang pagsu-show sa Zirkoh at Klownz ay nag-guest pa rin siya sa show ni Gladys.
Nu’ng Disyembre pa siya nagsimulang mag-taping para sa Super Twins at medyo pagod siya sa show dahil dual role siya rito, isang mabuting karakter na nagpoprotekta sa bidang kambal (Jennylyn Mercado at Nadine Samonte) at isang masama na nais pumatay sa kambal.

DINGDONG FEELS BAD ABOUT RECENT CHANGES IN GMA

THE underwater adventure, “Atlantika”, is ending next month. “It’s supposed to run for only three months but we were extended up to five months dahil maganda ang reception ng viewers,” says lead actor Dingdong Dantes. “As the conclusion comes near, every episode is packed with more surprises and big action scenes as I try to fight the plans of the evil Barracud (Ariel Rivera) to make Atlantika float and conquer the world of mortals. ‘Atlantika’ is my toughest show as it’s physically draining because of the action scenes na underwater pa.” The final weeks will show if Dingdong as Aquano would succeed in his mission to thwart Barracud or if he’d choose his love for Amaya over his duty. Barracud also faces competiton from Celeste (Jean Garcia), the villainous twin sister of Queen Celebes who also wants to conquer Atlantika. She has the power to read minds and finds out who’ll help Aquano carry out his mission. Celebes, in turn, succeeds in reviving the former king, Agat (Gardo Versoza), and finds out he has a missing son. Is this Aquano or Piranus (Paolo Contis)? The show really gets more exciting so don’t miss it every night. So what’s Dingdong’s next project after “Atlantika”? “GMA has new plans but I’m not at liberty to reveal them yet. I’m hoping after two costume-fantasies, ‘Encantadia’ and ‘Atlantika’, they’ll give me a straight drama naman for a change. “But right now, I’m still hosting ‘SOP’ and ‘Starstruck’.” How does he feel now that some co-stars in “SOP” have been taken out of the show? “Siyempre, I feel bad, like KC (Montero), kasi eight years na kaming magkasama sa show. Pero ganun talaga. We need to reformat to keep ‘SOP’ fresh and new.” Why is it that only the second and third batches of “Starstruck” did not become as successful as the first batch? “Probably because sobra ang expectations sa kanila. “Iba kasi ang original. But I’m confident the new batch of ‘Starstruck The Next Level’ will be as big as the batch of Mark and Jennylyn, especially among the girls na marami talagang stunning and talented.” How’s Karylle? “She’s busy writing her own songs for her new album. Lagi pa rin kami magkasama sa ‘SOP’. Natatawa na lang kami when we hear na hindi na raw kami.”

Sunday, January 21, 2007

Manilyn Reynes... in Mga Kuwento Ni Lola Basyang

OKAY ang career ni Manilyn Reynes ngayon. Very active siya sa mga TV guestings sa mga programa ng GMA 7. Nagsimula ito buhat nang mag-clicksiya sa Bakekang. Bukod pa rito’y binigyan din siya ng solo show ng GMA, ang Mga Kuwento ni Lola Basyang. Sa Tuesday night, si Manilyn ay nag-iisa namang panauhin sa Bahay Mo Ba ‘To?. Makakaribal niya si Francince Prieto kay Harold (Keempee de Leon). Tomboy ang role niya rito kaya na-in love siya sa gir-lash na si Harold. Awayan ito ng pandak vs. kapre na kinakatawan nina Mane at Francine.

Katrina: Sana, sa akin na mapunta si Richard

IT’S obvious that Katrina Halili is one of GMA-7’s prized properties. Even before “Majika” has ended, she was already included in the cast of “Atlantika”. Now, even before “Atlantika” ends, she’s now included in the cast of “Lupin” with Richard Gutierrez. “I’m really thankful to GMA-7 for all the good roles they’re giving me,” she says. “I just wish next time, sa ‘kin naman mapunta ang leading man. In ‘Majika’, umasa akong mamahalin ni Dennis Trillo. Sa ‘Atlantika’, si Dingdong Dantes naman, pero sa iba sila napunta. I hope sa ‘Lupin’ sa ‘kin naman mapunta si Richard, for a change.”

After “Gigil” and “Super Noypi”, Regal has a new project for her. “Mother Lily called me to dinner para raw sa birthday ko. She said she’s pleased with ‘Gigil’ and she wants to do a new movie, hindi pa lang sure kung ano. I’ve also shot three new versions of my Tanduay TV commercial. The first one is coming out soon.”

How come the rumor linking her to Mark Herras refuses to fade away? “I really don’t know. I just read we’re having a secret affair. And worse, pinagtangkaan ko raw patayin si Jennylyn Mercado. Ano ba ‘yun? Gawin ba kong murderer! Sa maniwala sila’t hindi, zero talaga ang lovelife ko. Trabaho lang ang priority ko as I want to save more money. What I earn from TV, sapat lang pambayad sa condo ko, sa utilities at bayad sa driver and yaya ko. Ang extra money ko comes from what I earn from movies, endorsements and out-of-town shows. One half of that, I give naman to my mom who lives in Palawan.”

She’s sad that “Atlantika” is ending soon. “Five taping days na lang kami and I feel sad kasi I enjoyed working with Iza Calzado, Dingdong Dantes, Paolo Contis and Isabel Oli. The next few weeks will be very exciting, leading to a spectacular finale, so viewers shouldn’t miss it.”

Thursday, January 18, 2007

"Feel The Fun" - Fanatxt

Tuesday, January 16, 2007

Congratulations, Asian Treasures!

NAG-41.83 % ang pilot ng Asian Treasures nina Robin Padilla and Angel Locsin.Napakataas ng expectation ng unang soap ni Binoe sa GMA-7 and the first non-fantasy soap naman ni Angel after three successive ones. Sa GMA thread sa Pinoy Exchange, halos minute per minute ang posting ng members commenting on the soap and how well it was executed para nga raw silang nano-nood ng isang expensive action movie. Astig din daw ang fight scenes at si Direk Eric Quizon, sobrang puri sa mga fans for a job very well done.Pinakagusto nila si Angel dahil for the first time daw kasi, hindi meek ang role niya, may pagkama-taray, so refreshing for them ito. Tuwang-tuwa rin sila kay Binoe and his brand of action and comedy na first time ngang napanood sa Kapuso network, at nagulat sila na nagkukontrabida si Marvin Agustin as Angel’s ‘ex’ so, napakaraming bago nilang nakita sa pilot ng Asian Treasures.Over 10 per cent ang taas ng Asian Treasures pilot against the new soap sa kabilang station when it piloted.

Monday, January 15, 2007

Marvin Agustin, sinasakal si Pauline Luna?

Lumalabas na raw ang tunay na ugali ni Marvin Agustin. Ito’y matapos na pagsabihan na raw ng kanyang pamilya si Pauline Luna na dumistansya na sa aktor dahil iba na ang ipinapakitang ugali nito hindi tulad noong bagong nanliligaw pa lamang. Saksi raw ang mga staff ng isang TV show sa Siyete sa kagaspangan ng ugali ni marvin nang biglang hampasin nito ang librong binabasa ni Pauline dahil tumanggi ang aktres na sumabay dito sa pagkain dahil hindi pa raw ito nagugutom. Maging ang manager ng dalaga na si Lolit Solis ay kinausap na rin daw ang aktres upang pagsabihan na iwasan muna si Marvin dahil sinasakal na siya nito kahit na hindi pa sila mag-asawa.

Saturday, January 13, 2007

GMA-7's Asian Treasures Premieres This Week!

IMPRESSIVE ang press launch ng GMA-7 para sa adventure-love story na Asian Treasures. Trailer pa lang, kitang-kita na ang pagka-ambisyoso ng proyekto. Hindi birong pagsamahin ang tinaguriang Bad Boy ng Philippine Cinema at ang acknowledged Telefantasya Queen. Aside from the all-out budget, suportado pa sila ng mga respetado at de-kalibreng artistang tulad nina Eddie Garcia, Caridad Sanchez, Marvin Agustin, Joonee Gamboa, Jaime Fabregas at Ronaldo Valdez. Kasama rin sa cast sina Rommel Padilla, Mon Confiado, Marky Cielo, Gio Alvarez, Diana Zubiri, Margaret Wilson, Glaiza de Castro, Ella V at Francis Magindayao, sa direksyon ni Eric Quizon. Magsisimula ang airing ng Asian Treasures sa Enero 15, kapalit ng Captain Barbell. Istorya ng paghahanap sa kayamanang diumano’y itinago ng 10 datu ng Borneo na nakalap nila sa iba’t ibang bayan sa Asya. Isang lungsod ang tinatag sa Pilipinas at kinilalang Itim na Ginto, dito raw nailagak ang mga kayamanan. Ang sikreto tungkol sa natatagong kayamanan ay iniingatan ng dalawang grupo ng Pilipinong naisalin na sa ilang henerasyon. Ang KKK (Kapatirang Kumakalinga ng Kayamanan) ang grupong gustong protektahan ang kayamanan at ang Sudama naman ang may makasariling hangarin dito. Kumbinsido ang dumalong mga manunulat na malaki ang potensyal ng Asian Treasures. Maging ang mahusay na actor-direktor na si Eddie Garcia ay optimistikong tatangkilikin ito ng televiewers.

Tuesday, January 09, 2007

Ely Buendia recovering after heart operation

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us
The health of rock artist Ely Buendia is improving after undergoing an angioplasty to clear his blocked arteries, the Pupil band manager told GMANews.TV Tuesday."He's fine, still in ICU but recovering well," Day Cabuhat said, dispelling rumors circulating in text messages and electronic mails that the former leader of Eraserheads had passed away after suffering a heart attack Saturday night.As of posting time, Cabuhat said Buendia is still at the Intensive Care Unit of the Asian Hospital and Medical Center in Alabang, Muntinlupa City.Cabuhat said the rumors were the least of their worries at the moment.In a message to the mailing list of Pupil, she said Buendia suffered acute myocardial infarction secondary to arterial blockage."The emergency angioplasty was successful and he is now stable and recovering," she said.She added that Buendia would have to undergo a second angiosplasty "to pave the way for complete recovery." In an interview with GMA's Saksi Monday night, Buendia's wife Diane said an angiogram performed on the singer-guitarist confirmed the heart attack as two of his arteries were blocked.In a separate interview at Unang Hirit Tuesday morning, she said her husband was already talking and joking with his visitors.Buendia’s friend, rapper Francis Magalona, said in his blog posted on his Multiply account that he had already spoken with Buendia Sunday evening and Monday morning."I'm glad my friend is recovering. The guy had an angioplasty, it's a process where they insert a ‘balloon’ in your artery to open it so blood (and oxygen) may pass, and reach the brain. I was on my way to my first Camera Club of the Philippines monthly meeting-dinner when I received a text from my daughter, Saab, that Ely was on TV, and he was rushed to the hospital," Magalona said.He added: "I immediately dialed my friend's number, and after a dozen or so rings, he answered the phone, told me the story of how he suffered and survived a heart attack and is now at a hospital in Alabang, the Asian Hospital."Diane earlier said Buendia had already complained about finding it a bit hard to breathe while they were on the way to a gig in Laguna. But he dismissed it as mere heartburn. The singer-guitarist was reportedly in the middle of a song when he felt a sudden pain in his chest and his left arm went numb.Buendia, who turned 36 last November 2, became popular as composer and lead singer of the Eraserheads back in the 1990s.Shortly before the Eraserheads disbanded, Buendia recorded a 10-song solo album, Wanted: Bedspacer.Then he formed the short-lived band The Mongols, before forming Pupil, which broke into the music scene with the hit songs "Nasaan Ka," "Dianetic," and "Dulo ng Dila." They have just released their fourth single "Gamu-gamo." - GMANews.TV

Mark and Katrina?!?

LADY in red ang birthday celebrator na si Katrina Halili the night of her party.Provided ng Tanduay ang magarbong birthday party ni Katrina sa Mugen Bar sa Metro Walk Ortigas. Kahit kasabayan ito ng Asian Treasures press con, big enough si Katrina na ito ang daluhan ng lady boss ng GMA Artist Center na si Ms. Yda Henares along with her husband Ronnie Henares. Yes, present si Mark Herras sa birthday party niya at talagang puro kantiyawan ang nangyayari sa dalawa na nakikiloko naman sila dahil friends nga sila.On and off cam, wala ka talagang makikitang signs of more than just friends sina Katrina and Mark, so kahit anong pilit, wala ka talagang mapipiga. Dumating din sina Rainier Castillo, Ketchup Eusebio, Boom Antonio, Gabb Drillon and IC Mendoza. Ketchup, Boom and Gabb are Katrina’s co-star sa launching movie niyang Gigil. Pinoy Pop Superstar Michael Cruz provided the entertainment.By the way, may inamin sa amin si Mark off the record na tiyak na ikatutuwa ni Katrina. He-he-he!

Good luck, Gladys!

Sey ng isang staff ng Eat Bulaga na nakausap namin, para maging credible sa kanila si Gladys Guevarra, kailangan hindi nila mabalitaang nagsu-show pa sa gabi sa Klownz at sa Zirkoh ang byuti niya. “Kasi, du’n sa resignation letter niya, due to health reasons daw. Eh, masama sa kalusugan niya kung magpupuyat siya sa pagsu-show, ’di ba?” Sabi nga ng kausap namin, “Nag-attempt kami to talk to her, kaso, dini-deadma niya ang text namin. Aalamin sana namin kung ano ang problema niya. “Kung may problema sa talent fee, hindi ba puwedeng ayusin ’yon? O, kung may iba pa siyang concerns, sana, i-address niya sa amin. “Eh, due to health reasons daw, eh. O, sige, good luck sa health!”

Labels:

Sunday, January 07, 2007

Billy, sumulat ng kanta para kay Britney

Napanood namin si Billy Crawford sa Walang Tulugan ni German Moreno at sa SOP, kung saan in-announce niya ang upcoming concert dito.

Matagal na niyang gustong sa mga kababayan mag-perform at ngayon lang pinagbigyan ng kanyang management.

Katatapos lang daw niya ng European tour, kaya sumaglit sa ’Pinas. Ilang araw siyang nag-stay sa Boracay para makapagpahinga bago bumalik sa Amerika.

Nabanggit nitong may sinulat siyang song para kay Britney Spears sa bago nitong album and he’s also writing songs for other artists.

Ginagawa rin daw niya ang bago niyang album.

’Kakabilib ang narating ni Billy as an international performer. Lalo kaming pinahanga nito dahil ’di pa rin nakalilimot mag-Tagalog kahit kung saan-saang parte na ng daigdig siya nakarating.

Naka-Recover na si Angel Locsin....


NAKA-RECOVER na raw si Angel Locsin sa split-up nila ni Oyo Boy Sotto.

Sa ngayon ay dinadaan na lang niya sa trabaho ang lahat. Busy siya sa taping ng Asian Treasures na may press conference tonight sa Metro Bar.

Pero, iginigiit ng kampo ni Angel na hindi si Robin Padilla ang dahilan ng hiwalayan nila. Kasi , madalas magkasama ngayon sina Angel at Robin bilang magkapartner sa bagong show ng GMA-7 na magsisimula na sa 3rd week of January.

Samantala, sa blow-out party ni Vic Sotto para sa EK3 ay nandoon si Bing Loyzaga para magpaliwanag na walang katotohanan ang balita sa kanila ni Oyo. Matagal na raw silang magkakilala ni Oyo kaya matagal na silang magkaibigan.

Sa part ni Vic, hindi siya naniniwala na si Bing ang dahilan ng paghihiwalay nina Oyo at Angel. Katuwiran ni Vic ay matagal na niyang kakilala si Bing. Sa kalagayan ni Bing, misis pa rin siya ni Janno Gibbs.

Rason ng paglayas ni Gladys sa ‘EB,’ pinagdududahan

HEALTH reason ang ibinigay na dahilan ni Gladys Guevarra sa resignation letter sa Eat Bulaga last Friday.

Hindi na ito nag-elaborate at ’di na rin nagtanong si Malou Choa-Fagar at ang Tape, Inc. at tinanggap na lang ang pagbibitiw nito.

May mga hindi naniniwala sa rason ni Gladys, lalo’t tumanggap siya ng show sa GMA-7. Paano raw siya makapagpapahinga kung magti-taping siya ng Magic Kamison?

Kaya ang press, dinidiskubre ang mas malalim na dahilan ng move ni Gladys, gaya ng kung may nakaaway ito sa hosts ng show o kung may iniiwasan.

Hopefully, hindi niya ititigil ang pagkanta dahil marami ang makaka-miss kay Chuchay (isa sa pinasikat niyang characters).

Friday, January 05, 2007

Walang Third Sa Hiwalayang Angel & Oyo

Walang third party involved sa hiwalayang Angel Locsin at Oyo Sotto. Malinaw na ’yan ngayon, kaya out na sa eksena sina Robin Padilla at Bing Loyzaga.

“Lack of time” umano ang dahilan ng kanilang breakup, lalo na sa side ni Angel, na naging sobrang busy sa taping ng Asian Treasures, kaya halos bihira na silang makapag-bonding ng boyfriend.

Sabagay, nang tanggapin ni Angel ang AT nila ni Binoe ay pinagdiinan na nitong malabo siyang ma-in-love sa action star dahil may asawa’t anak na ito at mahal na mahal niya ang binata nina Vic at Dina Bonnevie.

Unfair din sa part ng action superstar na madawit sa hiwalayang Angel at Oyo dahil lumalabas nga naman nanunulot siya.

Isa pa, alam naman ng lahat na natural na kay Robin ang pagiging malambing at maasikaso sa kanyang mga kapareha.

Regine Velasquez -...