Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Gian Magdangal Vs. Gabby Eigenman?

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Sunday, January 28, 2007

Gian Magdangal Vs. Gabby Eigenman?

Two Sundays ago since naipakilala sa GMA-7 Sunday musical variety show na SOP ang latest addition sa kanilang pamilya—si Gian Magdangal, na isa sa top three finalists ng Philippine Idol.

Bilang isa sa pioneers ng SOP since the noontime show started 10 years ago, hiningan namin ng reaksiyon si Gabby Eigenmann sa pagpasok ni Gian sa show nila.

"Well, usually naman, dapat every year ganun e. It's either may madadagdag or mababawasan. The thing is, SOP is a musical variety show, so the more the merrier. Hindi naman siguro dadami na mukhang magulo, but definitely it's a trial and error e," paliwanag ni Gabby sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the taping of Muli last January 8 sa Olivarez General Hospital, Parañaque.

"Kumbaga, since lahat naman gusto na the show to be better every week, so I guess they're trying new talents. Masaya kami ‘coz most of the newcomers, they treat SOP as their parang stepping stone—not just for stardom but to enhance their talent. Happy naman kami sa mga nadadagdag," sabi pa ng binata.

Itinuturing ba niyang threat o competition si Gian—pinsan ni Jolina Magdangal—at ang iba pang young singers sa SOP gaya nina Gerald Santos at Harry Santos?

"No naman. May sarili kasi silang style... And ako din naman, I have my own. I don't think there's a comparison and a threat, kasi we treat each other as family," sagot ni Gabby.

"I've known Gian for eight years, may grupo sila dati [17:28]. They used to guest sa SOP, grupo pa sila nu'n. We see each other sa mga shows, nagkikita din kami. So matagal ko na siyang kakilala kaya natuwa nga ako na kasama na si Gian sa SOP," kuwento pa ng anak ng aktor na si Mark Gil.

Sinabi rin ni Gabby na kahit sampung taon na siya sa SOP ay hindi dumating yung point na parang ayaw na niyang lumabas dito o di kaya ay nagsasawa na siya.

"It's fun! Kasi for me, parang naging every Sunday lifestyle na yun e. Yung looking forward ka every Sunday, so parang naging habit. Kahit nga walang bayad e... Alam mo yun? Ganun na yung feeling ko kasi I've been with the show for the longest time," nakangiti niyang sabi.
"At the same time, for the past 10 years, ang dami kong natutunan. Yung mga natutunan ko kina Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Jaya, and Regine Velasquez, it inspired me with my career sa music," dagdag pa ni Gabby.

Samantala, kinumusta rin namin sa kanya ang kanyang sophomore album under GMA Records na Sa Di Kalayuan.

"So far, okay naman. Sana kung anuman yung maging trend this year, nandun pa rin yung tunog-banda. Kasi my album is halos tunog-banda. Natutuwa nga ako kasi kaninang papunta ako dito sa taping, I tuned in sa isang radio station, eksakto, pinapatugtog yung kanta ko. So, tuwa naman ako!" kuwento ni Gabby.

Speaking of tapings, kasama si Gabby sa sisimulang afternoon drama series ng GMA-7 na Muli, na pagbibidahan ni Alfred Vargas at ng Malaysian actress-beauty queen na si Carrie Lee. Bukod dito ay kasama rin siya sa primetime fantaserye na Super Twins starring Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, and Dennis Trillo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...