Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: ALL ABOUT DENNIS TRILLO!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, January 22, 2007

ALL ABOUT DENNIS TRILLO!

Mukhang hindi magtatagal ay magkakaayos na ang kampo ni Dennis Trillo at ng Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde.
Matatandaan na sumama ang loob ni Dennis at ng manager nitong si Popoy Caritativo nang mapunta kay Richard Gutierrez ang lead role sa filmfest entry na Mano Po Po 5: Gua Ai Di na originally ay para kay Dennis.
Tsika sa amin ng manager ni Dennis nang makausap namin siya sa intimate birthday dinner ng kaibigang Joe Barrameda nu’ng Biyernes sa VIP room ng MDC bar sa Greenhills, nag-meeting na sila kamakailan ng producer daughter ni Mother Lily na si Ms. Roselle Monteverde-Teo at naghahanap na sila ng next movie project para kay Dennis.
Nakangiting sey ni Popoy, dahil nakipagkita na siya kay Roselle ay hindi malayong magkausap at magkaharap na rin sila one of this days ni Mother Lily.
Sa tono ng pananalita ng manager ni Dennis ay tila humupa na ang ‘galit’ nito kay Mother at nawala na ang kanyang sama ng loob.
Masayang ibinalita ni Popoy na ngayong araw na ito (Lunes) ang last recording day ni Dennis para sa self-titled debut album nito under IndiMusic.
Ani Popoy, Nobyembre 2006 pa nagsimulang mag-recording si Dennis para rito pero natagalang matapos dahil hindi magtagpo ang schedule ni Dennis at ni Ms. Regine Velasquez.
Bukod kasi sa isa si Regine sa may-ari ng IndiMusic, siya rin ang tumayong voice coach at back-up vocalist ni Dennis.
Hands on ang Songbird bilang isang record producer at gusto nito ay present lagi sa recording studio sa tuwing magre-record ng kanta si Dennis.
2 songs ang laman ng debut CD ni Dennis, sampung originals at dalawang revivals (ang carrier single na All Out of Love at Love is All That Matters).
Sina Ogie Alcasid (na presidente ng IndiMusic), Viktoria at Trina Belamide ang ilan sa nag-compose ng awitin sa naturang album.
This week ang radio launch ng carrier single ni Dennis pero ang press launch nito ay pagkatapos pa ng launching ng bago niyang GMA telefantasya na Super Twins (na sa Pebrero 12 ang premiere telecast).
***
Sa Zirkoh-Greenhills na katabing bar ng MDC (Manila DJ Club) ang pa-show ng birthday celebrator na si Joebarr nu’ng Friday night.
Guests ni Gladys Guevarra sa show nitong Tipo Kong Lalake sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Teri Onor at Lovi Poe.
Puno ang Zirkoh at grabe ang tilian ng audience kay Dennis na bumanat ng Kiss (ni Tom Jones) sa kanyang opening number. Inawit din niya at pinromowt ang first single niyang All Out of Love (ng Air Supply).
OA ang hiyawan ng mga girls at parang gigil na gigil silang lahat kay Dennis. Saglit lang sa show si Dennis na panay ang yakap at pa-kiss ni Gladys.
Bago ito umalis ay hiniritan ni Gladys ang binata ng, "Halimbawang magkakaroon ng digmaang-nukleyar at tayo lang ang matitira sa isang island at saka isang camel. Sinong titirahin mo sa amin?"
Sagot ni Dennis, "Siyempre, ikaw!" na ikinakilig ni Gladys at ikinahalakhak ng crowd.
Natsika namin si Dennis nang dumaan siya sa MDC at nabanggit niyang hindi lang niya mahindian si Joebarr kaya kahit binawasan na niya ang pagsu-show sa Zirkoh at Klownz ay nag-guest pa rin siya sa show ni Gladys.
Nu’ng Disyembre pa siya nagsimulang mag-taping para sa Super Twins at medyo pagod siya sa show dahil dual role siya rito, isang mabuting karakter na nagpoprotekta sa bidang kambal (Jennylyn Mercado at Nadine Samonte) at isang masama na nais pumatay sa kambal.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...