Beauty queen Anna Theresa Licaros tries her luck anew, but not in another beauty contest. The Bb. Pilipinas-Universe 2007 is not only beauty and brain but she also possesses a singing voice that will be heard on GMA-7's new reality-based singing contest, Celebrity Duets, to be hosted by singing couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid.
Kahit busy si Theresa sa kanyang law studies sa University of the Philippines at ang kanyang duties as the reigning Bb. Pilipinas-Universe winner ay naisingit pa rin nito ang pagsali sa naturang televised singing contest. Isang malaking hamon daw kasi para sa kanya ang pagkanta, na usually ay ginagawa lang niya sa loob ng banyo pero ngayon ay maririnig na on national television.
"Mahilig akong mag-videoke, I sing in the shower, but it's not something that I want to do professionally. It's just something that I enjoy doing," pag-amin ni Theresa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presentation of celebrity contestants ng Celebrity Duets kahapon, August 6, sa 17th floor ng GMA-7.
Dagdag pa niya, "Plus the fact na you can raise money for charity, talagang it really caught my attention. Kasi ngayon, hindi puwedeng beauty queen ka lang tapos bibigyan ka ng charity. Anong gagawin mo doon?
"This is a great way to raise money for charity. Parang hindi puwedeng all talk. You should put your money where your mouth is. And why not, this is a fun way to raise money, di ba?"
Eight non-singer celebrities will be paired with eight professional singers sa Celebrity Duets. Ang mga kasama ni Therese na celebrity non-singer contestants are fashion designer Frederick Peralta, Dr. Vicki Belo's boyfriend Hayden Kho, beauty doctor Dr. Manny Calayan, talent managers Jessica Rodriguez and Wyngard Tracy, and socialites Tessa Prieto-Valdes and Tim Yap. The names of the professional singers have yet to be announced.
Ano sa tingin ni Theresa ang tsansa niyang manalo laban sa kanyang mga katunggali?
"Oh, I think I have an equal chance," kampante niyang sagot. "Most of us really are just here for fun. And the mere fact na may text votes, well, I hope makakuha ako ng maraming votes para tuluy-tuloy ang pagsali ko. And 'yon nga, all is not lost.
"Even nga hindi ako mananalo, hindi pera ang makukuha ko kasi may mananalo kundi publicity. I think I can really use that and lend it to the charity that I choose," sabi pa niya.